^

Pang Movies

Kris nakabili ng bahay sa Amerika

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Katas ng hirap at pagod ni Kris Bernal ang bagong biling bahay sa States, at ipinakita niya ito sa kanyang Instagram account.

Isa si Kris sa mga hinahangaang artista pagdating sa pera dahil ginugugol niya ito sa mga investment tulad ng business at malala­king properties.

Nagpunta sa Amerika si Kris para sa pagdiriwang ng Independence Day kasama ang ibang Kapuso stars sa California. Sinamantala na rin ni Kris ang pagkakataon dahil nakipagkita rin siya sa mga fans niyang based sa California.

Enjoy si Kris sa pakikipagchikahan sa mga loyal supporters niya roon at pinagsabay ang work and play. Deserve niya ito matapos ang intense role niya sa Impostora, at nagre-recharge na siya para sa mga susunod niyang projects.

Jazz Ocampo, may ginawang International film

Hindi lang Indonesian, kundi Briton at mga Amerikano ang katrabaho ng Kapuso star na si Jazz Ocampo sa kanyang international film na Santet.

Itinayo ni Jazz ang bandera ng Pilipinas dahil siya lang ang Pilipinong myembro ng cast nito.

Kultura ng Indonesia ang tampok dito, pero iba’t ibang mga lahi ang kasama sa pelikula. Proud si Jazz na maging bahagi ng pelikulang ito at kung posible ay gusto rin niyang mapanood ito dito sa Pilipinas.

Samantala, patuloy pa rin siya sa pagiging sagabal sa kasiyahan ni Julie Anne San Jose sa My Guitar Princess. Siya yung tipo ng kontrabidang hindi mo kaiinisan pero tatawanan na lang dahil nakaka-aliw ang kamalditahan nila ni Isabelle de Leon sa serye.

Close na nga silang tatlo nina Maey Bautista, kahit off-screen ay mga kalokohan nilang tatlo ang ibinibida niya sa social media.

 

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with