^

Pang Movies

Alfred pinayuhang wag maging maluho ang mga batang artista

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Alfred pinayuhang wag maging maluho ang mga batang artista
Alfred

Nagpapasalamat ang actor-turned-politician na si Alfred Vargas na hindi pa pinapatay ang character niya sa top-rating GMA-7 primetime teleserye na Kambal Karibal.

Akala kasi ni Alfred na noong ma-comatose ang character niya sa show, baka iyon na raw ang sign na papatayin na siya sa show.

 “Siyempre, tuwang-tuwa ako kasi hindi ako nawala sa show. May trabaho pa rin ako at kailangan makaganti ako sa character ni Marvin Agustin na hina-harass pa rin kami sa istorya,” kuwento pa ni Alfred.

Enjoy ni Alfred na katrabaho ang mga batang bida sa Kambal Karibal na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza. Nakikita niyang sisikat pa raw ang mga ito dahil ang sisipag magtrabaho at napaka-professional.

“Wala kang mararamdaman na may lalaki ang ulo sa kanila. Magagalang sila sa aming mga nakakatanda sa kanila at kapag work na, nakatutok sila. Hindi mo sila makikitang nakikipagkuwentuhan or naglalaro sa cell phones nila. Nasa kanya-kanya silang sulok nila at nagbabasa ng script.

Isa lang ang advice ni Alfred sa mga kabataan ngayon sa showbiz. Iyon ay ang alagaan nila ang career nila at ang kanilang mga kinikita.

“Ako kasi noon, hindi ko ginagalaw ang mga talent fees ko. Since may iba naman akong pinagkakakitaan noon like making movies, mga personal appearances, yung mga TF ko sa mga teleserye, hindi ko ginagalaw.

“Until nalaman ko na ang laki na pala ng naipon ko. Doon na ako nag-invest sa mga properties at nagtayo ng negosyo.

“Hindi naman ako mahilig sa sobrang mamahal na mga gamit. Basta okey siya, kahit hindi branded walang problema sa akin.

“Kahit sa sasakyan ko noon, hindi ako maluho. Noong nagbibilihan ng mga malalaking sasakyan ‘yung mga kasabayan ko, ako simpleng kotse lang. Yung panggamit mo lang araw-araw at hindi maaksaya sa gasoline.

“Ang bigyan ng halaga ang mga pinaghirapan ko sa showbiz ang natutunan ko at sana ‘yun din ang gawin ng mga artista ngayon,” pagtapos pa ni Alfred Vargas.

Solenn at Nico nakalipat na sa malaking bahay

Nakalipat na ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa kanilang bagong bahay.

Pero sa kuwento ni Solenn sa kanyang Instagram Stories, ang tumulong sa kanya sa paglilipat ay ang mga movers at missing in action ang kanyang mister na si Nico.

Kahit na sila-sila lang ang naglipat, mabilis daw nilang naayos ang bahay.

“What would have been really hassle to do on my own (I did it with my last apartment), isn’t so stressful now,” caption pa ni Solenn.

Sa isang one bedroom condo unit sa BGC tumira ang mag-asawa for seven years. Pero this time, sa mas malaking bahay na raw sila dapat tumira.

“It’s time for a mini upgrade. It’s not that big, Maliit lang, since ayoko ng aso sa apartment.

“It’s not naman ultra-modern. Mas parang American house, I would say.

“Hindi pa ako nag-decorate pero it would be more on Filipino furniture,” diin ni Solenn.

Ito na siguro ang simula nang pagpaplano nila Solenn at Nico na magkaroon ng baby.

Gal Gadot todo ensayo na para sa Wonder Woman 2

Magsisimula na ng filming ang Hollywood star na si Gal Gadot para sa Wonder Woman 2 kaya naman nag-post ito ng kanyang pagbabalik sa gym para mag-training at mag-workout.

May personal trainer si Gal na si Magnus Lygback at ito ang magbabalik ulit sa kanyang Wonder Woman form.

Ang location ng sequel ay magaganap sa Washington D.C. at sa isang mall sa Virginia. Bibihisan nila ang locations dahil ang time period ng movie ay 1984. Si Patty Jenkins pa rin ang magdidirek ng Wonder Woman 2.

Sa November 1, 2019 pa ang playdate ng Wonder Woman 2.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with