^

Pang Movies

Chiz doble ang lungkot sa pagkawala ng kambal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Chiz doble ang lungkot sa pagkawala ng kambal
Heart Evangelista at Chiz Escudero

Kung iisipin, pinag-uusapan nila kung gaano kalungkot si Heart Evangelista ngayong nakunan siya matapos ang tatlong buwang pagdadalantao. Doble lungkot iyon, dahil nalaman nila na kambal pala dapat ang magiging anak nila. Nauna nang hindi nagtuloy na ma-develop iyong isa. Iyon namang lumaki ay bigla na lang tumigil ang pagtibok ng puso.

Kung masakit iyon para kay Heart, sigurado mas masakit iyon para kay Senador Chiz Escudero dahil umaasa iyong tao na magiging tatay na naman siyang muli.

Kung iisipin ninyo, ang mga kagaya ni Heart, nanlulumong nawala ang kanyang magiging anak. Samantalang may iba na lumalaklak ng pills para hindi magka-anak. Mayroon pang lumalaklak ng gamot para makunan, kung hindi man sumasailalim talaga sa abortion kahit na bawal iyon. Hindi yata nila alam na ang bawat bata ay isang pagpapala mula sa Diyos.

Mga nominado sa isang award-giving body, hindi kilala

Nanonood kami ng TV noong isang gabi, nang ilabas nila nang sunud-sunod ang mga artistang nominado ng isang award giving body bilang best actor. Iyong mga kasama naming nanonood ay nagtatanong sa amin, “sino iyon?” Hindi kasi nila kilala ang sinasabing mga artista. Aba ano nga ba ang malay namin eh maski kami hindi namin kilala ang mga artistang iyon.

Iyon kasing mga artistang binabanggit nila ay hindi naman nagkakaroon ng publisidad, at ang mga pelikula nila ay siguro ipapalabas lamang ng isa o dalawang araw sa sinehan. May mga pelikula pa ngang ni hindi naipapalabas sa mga sinehan. Ang ginagawa nila, nag-oorganize na lang sila ng audience, sinisingil nang isandaang piso o mas mababa pa, at ilalabas ang kanilang pelikula. Kung may papatol sa kanila.

Pero sinasabi ng ilang mga kritiko, mahuhusay sila at magaganda ang kanilang pelikula. Iyon nga lang, wala namang nakakapanood sa mga iyon.

Ang tanong nga namin, papaano mabubuhay ang industriya ng pelikulang Pilipino kung manalo man sila ng lahat ng awards eh wala namang nakakapanood ng pelikula nila? Isang bagay ang kailangan nating tanggapin, hindi madidiktahan kahit na ng mga kritiko ang mga tao kung anong pelikula ang dapat nilang panoorin. Manonood lang sila kung gusto nila.

Sinasabi ngang iyan din ang dahilan kung bakit hindi na halos pinapansin ang mga awards. Bukod nga sa maraming anomalya ang iba, iyong nanalo naman ng awards ay hindi kilala ng mga tao. Nagtatanong sila sino iyan? Bakit nanalo iyan?

Noong araw, pinagtatalunan ng mga tao kung sino ang ma­nanalong best actor at best actress, at tumatama ang kanilang hula. Ngayon hindi na nila mahulaan dahil hindi nga nila kilala ang mga nominado, at siguro ni hindi pa nila napapanood. Ang resulta, nanonood na lang sila ng serye sa telebisyon na maganda rin naman, naaliw sila, hindi pa sila nagbabayad, at higit sa lahat kilala nila ang mga artista.

Mocha matigas na ang ulo

Ayaw mag-sorry ni Mocha Uson kay Kris Aquino. Karapatan niya iyon at hindi siya mapipilit kahit na ng mga boss niya.

May mga gustong sipain na si Mocha dahil ayaw niyang mag-sorry, karapatan din iyon ng mga nakakataas sa kanya, pero kung mangyayari iyon, makakakuha ng simpatiya si Mocha mula sa publiko, at babaliktad na naman ang sitwasyon para sa mga gustong palayasin siya.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with