^

Pang Movies

Jayda napansin sa pink na buhok

Veronica Samio - Pang-masa
Jayda napansin sa pink na buhok
Jayda Avanzado

MANILA, Philippines — After ni Sofia Romualdez, si Jayda Avanzado naman ang pinakabagong showbiz royalty na dumating para ipagpatuloy ang gawaing sinimulan ng kanyang mga magulang na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na katulad din ng anak  ng dalawang pulitiko ay nagnanais makibahagi sa showbiz sa pamamagitan ng kanilang talento sa paglikha ng musika at pagkanta. Mas prayoridad lang ni Jayda ang kanyang musika kaya sa edad na 15 ay sapat na sa kanya ang mgkaroon ng mga kaibigan sa showbiz o maging sa labas nito tulad ni Darren Espanto.

Nakatakda siyang mag-front act sa concert ni Niall Horon, isa sa myembro ng paborito niyang boy group na One Direction. Nakaibigan niya ang grupo nang unang kumanta ito dito. Mabilis niyang nakuha ang pansin nila dahil pinakulayan niya ng pink ang buhok niya.

Napapanood na siya ngayon sa ASAP na kung saan malaki ang tsansa niyang mas makilala pa at mas humusay.

Mocha nang-ubos ng pasensiya!

Mukhang nakakita ng katapat si Asec. Mocha Uson kay Kris Aquino. Sinagot na nito ang mga patutsada niya at hinahamon siya sa isang face to face confrontation na live sa harap ng publiko.

Lagot ka Asec. Mocha, inubos mo pasensya ng isa sa pinakamatapang na babae na ipaglalaban ang mga namamayapang magulang na inalipusta mo.

Paghandaan mo ito dahil hindi mo pwedeng atrasan dahil masasabihang takot ka.

Paulo gusto munang magpahinga

Kung maraming artista ang nagkakandakumahog sa paghahanap ng proyekto, si Paulo Avelino naman ay naghahanap ng matinding pahinga. Kahit ang pangyayaring ang pelikula niyang Kasal ay isa sa 20 pelikula na kumita ng malaki sa US ay hindi nakakabawas sa kagustuhan niyang mag-relax muna.

Wala naman siyang balak na tumigil, magbabawas lang siya ng load. May malaki siyang pelikula na kailangan niyang i-promote dahil maituturing itong pinakamalaki niyang movie ang Goyo: Batang Heneral.

Moira susubukan ang kapalaran sa Amerika

Isa sa pinakamabilis na sumisikat na singer ngayon ay si Moira dela Torre, ang boses sa likod na mga sikat na awiting Titibo-Tibo, Tagpuan, Malaya, at marami pa.

May foreign singers, arrangers at producer ang gustong makatrabaho siya. Isang kamag-anak niya sa US ang nagsisilbing tulay para maipakilala siya sa mga taong kailangan niya para makilala siya internationally. Sa mga hindi nakakaalam, naka-base sa US ang pamilya ni Moira. Hoping siya na ang matagumpay na pagsasama nila ng Boyce Avenue sa mga concert dito at ang gagawin nilang kolaborasyon ay makakatulong sa pagsisimula niya ng karera sa ibang bansa. At handang sumubok ni Moira.

vuukle comment

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with