^

Pang Movies

Mga artistang lasenggo matitigas ang ulo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sana naman makinig ang ating mga youngstars at lahat ng mga artista. Naiintindihan naman ng lahat na siyempre kagaya ng ibang mga tao, kailangan din niya ang dibersiyon. Hindi naman puwedeng puro trabaho na lang sila. May mga pera naman sila, kaya ok lang na isipin din naman nila ang kanilang sariling entertainment.

Pero siguro nga mas makabubuti kung iwasan na nila iyang pagpunta sa mga lasingan lalo na kung gabi. Masyado nang dumadami ang problema ng mga celebrities.

Nitong mga nakaraang araw, ang napag-uusapan lamang ay ang pagkakasaksak kay Jeron Teng at dalawang ibang basketball players, iyong isa baka raw mahirapan nang makalaro dahil naputol ang muscles sa braso. Napag-uusapan din ang naging bintang na pambabastos ni Frank Magalona sa isang VIP host sa isang bar.

Bago iyan, marami nang ibang kaguluhan na kinasangkutan ng mga artista sa mga ganyang lugar. Idagdag mo pa riyan ang katotohanan na marami tuloy sa kanila ang nagpagbibintangan pang gumagamit ng droga. In fact, may isa pa ngang TV host na napagbintangan ding “namimigay ng droga” sa isang high end bar.

Isama mo pa riyan ang tsismis na ang mga istambay sa mga ganyang lugar ay may ginagawang kakaibang “sideline”.

Isa sa magandang example ang nangyari ring pagwawala minsan ni Anne Curtis sa isang bar. Mabuti natulungan siya ng kanyang management company at ngayon ay nakabawi na siya. Pero marami rin ang hindi na nakabawi at tuluyan nang nasira.

Kaya nga ang payo ngayon, kung gusto ninyong uminom, bakit hindi na lang sa bahay ninyo. Wala pa kayong peligro.

Sharmaine malalaki na ang mga anak

Sa totoo lang, nagulat kami nang minsang magkita kami ni Sharmaine Arnaiz dahil noon lang namin nakita ang kanyang mga anak. Binata na pala ang panganay niyang anak at ang kanyang bunso ay cute at medyo malaki na rin. Iisipin mo bang may mga anak nang ganun si Sharmaine samantalang kung makikita mo siya, ang tingin mo ay bata pa naman talaga.

Si Sharmaine ay nagsimula sa That’s Entertainment.

Sa natatandaan namin noong una ay talent siya ni Nap Gutierrez, pero nang malaunan ay napunta sa aming kaibigang si Bibsy Carballo. Noon iyong panahong nasabak siya sa mga project na sumubok sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.

Hanggang ngayon naman maganda pa rin ang takbo ng career niya, bagama’t hindi na siya ka­sing aktibo nang dati.

vuukle comment

JERON TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with