^

Pang Movies

Daniel tumanggi sa bagong offer

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Daniel tumanggi sa bagong offer
Daniel R. Fernando

Isang special invitation ang dinaluhan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) mula sa  actor-politician na si Bulacan Vice Governor, Daniel R. Fernando na isa sa mga veteran actor, at naging Best Supporting Actor ng Star Awards na napapanood sa TV series ng Kapamilya ang FPJ’s Ang Probin­syano ni Coco Martin.

Isang mala­king karangalan kay Vice Gov. Dan na mapasama sa nasabing top rated series. Dapat daw, may isang bagong teleserye na makakasama siya at tipong bida ito at malapit nang mag taping pero tumanggi na siya sa ABS-CBN dahil baka raw magkaroon ng conflict, lalo’t masyado siyang involved ngayon sa politics sa Bulacan.

Nanghihinayang siya sa napakalaking pagtitiwala sa kanya ng ABS-CBN at Star Ci­nema. Kasi ang ganda ng role na ipo-portray sana niya.

Remember, ang first movie ni Vice Gov. Dan ay ang pelikulang Scorpio Nights noong 1985, kung saan tumatak ang pagganap niya bilang isang security guard.

Wala pa siyang kamuwang-muwang sa showbiz noon, pero umangat ang kanyang pangalan.

Ang head of security nga pala ni VG Dan ngayon ay ang dating sikat din na artista at tulad niya ay kisig Pnoy din at katukayo pa niya, si Dan Alvaro.

Anyway, sa isang napakagandang lugar sa Bulacan nga pala kami dinala ni VG Dan. The place is Wow!

 Grabe, mayroon palang ganito kagandang lugar sa Calumpit. Ang layo at tagal ng biyahe, puro kakahuyan ang dinaraanan, ang tahimik at feel na feel mo ang fresh air, pero sulit ang pagod at ibis ang gutom.

Ngayon ko lang nalaman na ang Calumpit river ay napakahaba at napakalawak.

Ang mag-asawang Ronald R. Orante ang may- ari ng restaurant.

Gusto kasi ni Vice Gov. Dan na makapag­-relax ang PMPC sa isang lugar na hindi pa halos naaabot ng karamihan.

vuukle comment

DANIEL FERNANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with