^

Pang Movies

Award-winning actress, nakipagtikiman sa drama actor na may ka-live in at mga anak!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami na ngang nagdaang mga lalake sa buhay ng award-winning actress na ito. May mga nakarelasyon siyang alam ng publiko pero meron din naman siyang nakarelasyon na hindi alam ng marami.

Kabilang nga sa mga sikretong relasyon niya ay ang sa isang drama actor na nakasama niya sa isang TV show. Umabot din ng isang taon ang kanilang lihim na relasyon at iilang tao lang ang nakakaalam. Mahirap na raw kasing ibulgar ang kanilang samahan dahil may ka-live in at mga anak ang naturang drama actor.

Nagsimula nga ang lahat nang aminin ni drama actor na crush niya si award-winning actress. Tuwing napapanood nga raw niya noon sa pelikula ang award-winning actress ay iba ang pakiramdam niya. Feeling niya ay magiging sila balang-araw.

Gayundin naman ang nararamdaman ng award-winning actress. Physically attracted siya sa drama actor pero noong makasama niya sa isang TV show, nabaitan siya rito at mukhang magiging masaya sila kapag naging sila. Yun nga lang, karelasyon ni award-winning actress that time ang isa ring drama actor na isa sa mga kaibigan ni drama actor 1.

Pero hindi nga nagtagal ang samahan ni award-winning actress at drama actor 2 dahil nahuli niya itong nambabae. Naging hingahan ng sama ng loob ni award-winning actress si drama actor 1.

Tuwing break nga raw nila sa kanilang ginagawang pelikula that time ay sila ang nagkakausap at naihinga ni award-winning actress ang lahat ng sama ng loob niya sa drama actor.

Doon na nagsimulang pormahan ng palihim ni drama actor 1 ang award-winning actress. Simple lang daw silang mag-date. Sa isang restaurant sila magkikita pero may ibang mga kasama si award-winning actress at gayundin si drama actor. Kunwari ay magugulat sila at same resto sila nagkita at ang ending ay magsasama na lang silang lahat sa isang mahabang lamesa. Throughout the night ay ang dalawa ang magkausap at alam naman iyon ng kanilang mga kaibigan.

Kapag wala naman sa Manila ang award-winning actress ay sinusundan siya ni drama actor 1. Kahit na saang lupalop si award-winning actress ay siguradong susunod ito roon. Kukuha ng isang private na lugar si award-winning actress at doon na lang susunod ang drama actor. Magdamag silang magkasama at unang uuwi ng Maynila si drama actor 1.

Isang taon din silang ganun hanggang sa tinigil na ni award-winning actress ang relasyon nila. Nahihirapan daw siya sa kanilang pagtatago. Mabubuking din sila balang-araw kaya habang wala pang nakakaalam ay itigil na nila. Sang-ayon naman si drama actor 1 dahil nakakaramdam na siya ng guilt kapag nakikita niya ang mga anak niya.

Pero kahit nagtapos na ang relasyon ng dalawa, nanatili ang pagkakaibigan nila. Walang nabago sa kanilang pagkatao dahil tanggap nga nila na hindi sila para sa isa’t isa kahit na mukha silang perfect na magkatuluyan.

Romansahan nina Nick at former Miss World, totohanan na

Mukhang totohanan na ang rumoured romance ng singer na si Nick Jonas sa Hollywood star at bida ng series na Quantico na si Priyanka Chopra.

Kailan lang ay namataan ang former Miss World na kumakain sa In ‘N” Out Burger kasama ang ilang kaibigan. Pinost nito sa Instagram ang isang photo na kumakagat siya sa burger. Mabilis naman na nag-comment si Nick sa naturang photo.

Heto ang post ni Priyanka: “Burgers and Chanel...my favourite combo with my fav girls. @anjula_acharia @mubinarattonsey @chanelofficial.”

Ang comment ni Nick ay: “That smile” with matching heart emoji.

Noong nakaraang Memorial Day weekend ay magkasama sina Priyanka at Nick sa maraming lugar. Nanood sila sa Hollywood Bowl ng Beauty and the Beast Live, nanood sila ng baseball game sa Dodgers Stadium at nag-date sila sa Toca Madera in West Hollywood.

vuukle comment

NICK JONAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with