^

Pang Movies

Aktres gusto nang layasan ang show na na ‘di nagbibigay ng dagdag na TF

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Iniisip ng isang aktres na mag-babu sa television show na matagal nang bahagi ng kanyang buhay dahil hindi nagkakaroon ng increase sa talent fee niya.

Disappointed ang aktres dahil naging loyal siya sa show pero taken for granted ng management ang loyalty na ipinakikita niya.

Naghihintay lang ng good sign at tamang panahon ang aktres bago nito gawin na pormal ang pagpapaalam sa television program na sure na mami-miss niya.

Lauren hindi na mabura ang pagiging sosyal

Na-typecast na si Lauren Young bilang sosyal na kontrabida sa mga drama series ng GMA 7.

Hindi kasi credible na gaganap na mahirap o ina­api si Lauren dahil sosyal na sosyal ang image niya.

Isa si Lauren sa mga Kapuso star na paborito ng staff dahil hindi siya maarte at mahusay makisama.

Pareho sila ng kanyang kapatid na si Megan Young na mabait din at love ng production crew dahil walang kayabang-yabang sa katawan. Kahit na­nalo siya na Miss World noong 2013, hindi nagbago ang ugali ni Megan kaya gustung-gusto siya na katrabaho ng production crew at ng mga kapwa niya artista.

Sultan ni Cesar hindi pa alam ang kapalaran

Maling-mali ang tsismis na may period movie na ginagawa si Cesar Montano at ang Department of Tourism ang producer.

Walang katotohanan ang balita dahil hindi pa nagsisimula ang shooting ni Cesar para sa kanyang dream movie na may working title na Sultan Kudarat.

True na may teaser na ang pelikula pero teaser pa lamang ito.

Tanging si Cesar lang ang makapagsasabi kung itutuloy pa niya ang kanyang ambitious project, kahit hindi na siya ang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.

Puwedeng ituloy ang movie project, kesehodang hindi ito suportahan ng Department of Tourism. Kailangan lang ni Cesar na makahanap ng tao na willing mag-invest sa pelikula na tungkol sa buhay ni Sultan Kudarat.

May nagsabi kasi sa akin na nabasa niya ang script ng Sultan Kudarat at napakaganda na project nito kaya sayang kung hindi itutuloy ni Cesar.

Jasmine kasama talaga sa show ni Alden!

Nag-deny noon ang kampo ni Jasmine Curtis Smith na kasama ito sa cast ng Victor Magtanggol pero iba ang balita na nakarating sa akin.

Totoo raw na kasali si Jasmine sa cast ng coming soon primetime te­leserye ni Alden Richards pero hindi siya ang leading lady o love interest.

Pareho raw ng kategorya ang mga role na gagampanan nina Jasmine at Janine Gutierrez.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi puwedeng magkaroon ng ibang leading lady si Alden, maliban sa kanyang loveteam na si Maine Mendoza.

Dapat lawakan ng fans ang kanilang pang-unawa na pang-TV lang ang pakikipagpareha ni Alden sa ibang mga aktres, hindi pang-tunay na buhay.

Walang reason para i-bash nila ang mga aktres na ipinapareha kay Alden dahil naghahanap-buhay lamang siya.

Hindi dapat pagselosan ng fans sina Janine at Jasmine dahil open book ang lovelife nila. Knows ng lahat na romantically-linked si Janine kay Rayver Cruz at very much in love si Jasmine sa boyfriend nito na si Jeff Ortega.

Hindi naman ang tipo ni Alden ang manggugulo o manghihimasok sa relasyon ng mga may relasyon kaya pointless talaga na magselos ang fans. Kung talagang mahal si Alden ng mga faney, suportahan na lang nila ang lahat ng mga project ng mabait na aktor, lalung-lalo na ang Victor Magtanggol dahil bidang-bida dito ang kanilang idol.

vuukle comment

LAUREN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with