^

Pang Movies

Beauty lilipat na sa Siyete, susundan si Sunshine

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Beauty lilipat na sa Siyete, susundan si Sunshine
Beauty Gonzales at Sunshine Cruz

Dahil may lumabas na baka lumipat si Beauty Gonzales sa GMA 7 dahil nakita raw siyang dumalaw at nakipag-usap sa isang executive ng Kapuso network kamakailan kasama ang mana­ger niyang si Arnold Vegafria. Tinext ko kahapon ang huli para tanungin tungkol doon pero walang sagot si Arnold.

Mukhang busy pa ang nasabing talent manager sa pakikipag-negotiate para kaya sa paglipat ni Beauty sa Siyete?

Well, sana nga makausap ko si Arnold para maklaro niya mismo ang tsikang lumabas.

Si Arnold nga rin pala ang manager ni Sunshine Cruz na pagkatapos ng ilang series na ginawa sa ABS-CBN ay nasa GMA 7 naman ngayon at magbibida sa isang series kasama si Bea Binene.

Joel Cruz hinihintay sa buwelta 

Wala pang pahayag ang businessman na si Joel Cruz tungkol sa mga sagot ng Brunei-businesswoman na si Kathelyn Dupaya sa mga paratang niya rito.

Nasa Amerika pa kasi si Joel at sa Monday ang balik niya sa bansa.

Ayon sa assistant niyang si Roy na nakatsikahan namin kahapon ni Manay Lolit Solis, sasagutin ni Joel ang mga ipinahayag ng nasabing businesswoman.

“Kung hindi sa Monday, sa Tuesday sasagot si Sir Joel kasama si Atty. (Ferdinand) Topacio,” sabi ni Roy.

Hindi lang kasi tungkol sa usapin ng pera ang naungkat sa pagpapainterbyu ni Kathelyn noong Tuesday.

Nabanggit din ng nasabing businesswoman na noong nag-business deal sila ni Joel at um-order siya ng mga pabango na produkto ng tinaguriang Lord of Scents ay expired daw ang mga produktong ipinadala ni Joel sa Brunei.

Lahat daw ng tungkol doon ay kaklaruhin ni Joel sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa Monday.

Bukod sa mga celebrity na nag-akusa kay Kathelyn, marami pa siyang mga taga-showbiz na naging close noong namamayagpag pa ang iba’t ibang mga business niya sa Brunei.

Kamakailan, tinanong ko si Kathelyn kung may nakakausap pa siya sa mga celebrity na naging malapit sa kanya, pero wala na raw.

“Wala na po akong kaibigan na artista ngayon. Lahat sila wala. Kahit tawagan mo ‘di siya (sila) sumasagot,” sabi ng nasabing businesswoman.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with