^

Pang Movies

Ruru ibang-iba ang hitsura sa cover mag

Joe Barameda - Pang-masa
Ruru ibang-iba ang hitsura sa cover mag
Ruru Madrid

MANILA, Philippines — Kakaibang Ruru Madrid ang makikita sa iba’t ibang news and magazine stands ngayon dahil sa pagiging cover niya sa isang youth-oriented magazine. Fully made up with matching eyeliner at sleek hairstyle si Ruru. Edgy nga kung tawagin at sa kanyang Instagram stories, nakalagay doon ang iba’t ibang look niya para sa issue na ito. Mukhang si Ruru na ang next in-demand cover boy ha? Bagay na bagay at madali niyang nadala ang iba’t ibang konsepto ng shoot!

Julie Anne nahihirapang pumili kina Kiko at Gil

Kahit naman yata sino ay mahihirapang pumili ng mamahalin kung sina Kiko Estrada at Gil Cuerva ang pagpipilian. Ganito kasi ang eksena ngayon ni Julie Anne San Jose bilang Celina sa My Guitar Princess.

Torn ang dalaga sa kung sino ang dapat pagtuunan ng pansin—ang kababatang si Elton o si Justin na la­ging nandiyan para sa kanya? Napakahaba ng buhok ni Julie Anne ha! Paano kaya magkaroon ng ganitong problema? Subaybayan ang love triangle nila sa My Guitar Princess!

Barbie dalang-dala ang kabaklaan

Bukod sa bright and colorful outfit ni Barbie Forteza sa Inday Will Always Love You, mas pinakukulay ng karakter niyang si Happylou ang gabi ng Kapuso viewers. Undeniable ang charm na hatid niya at nakakatuwa siyang subaybayan. Nakakatawa ang mga kabaklaan nilang dalawa ni Super Tekla at nakakakilig ang asaran nilang dalawa ni Derrick Monasterio.

Dalang-dala ni Barbie ang bawat eksena at ang sarap panoorin gabi-gabi ng IWALY dahil sa nakaka-good vibes nitong kuwento.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with