^

Pang Movies

TV host na sugapa sa giveaways, hindi na binibigyan ng sponsor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Na-turn off pala ang isang sponsor ng show na ito sa isang masibang TV host.

Dahil sa kasibaan at pagiging suwapang sa libreng pamigay ng TV host, personal na lang daw dinadala ng sponsor ang mga pamigay sa ibang kasama sa show. Pinapangalanan niya ang mga giveaways, pero hindi kasama ang name ng masibang TV host.

Nasaksihan kasi ng sponsor mismo ang pagiging suwapang ng TV host noong minsang siya mismo ang nagdala ng mga giveaways sa studio.

Palibhasa kasi ay hindi siya kilala noong TV host na may-ari ng mga produktong ipinamimigay, hinarang daw siya nito sa may papasok pa lang ng studio at sinabing kung ano raw ang mga dala niya, idiretso raw sa sasakyan niya.

Parang ginawa pa raw siyang utusan ng TV host at hindi man lang daw muna tinanong kung sino siya.

Noong sinabi raw ng sponsor na para raw sa ibang kasama niya sa show ang mga dala niya, pasigaw pa raw na sinagot siya ng TV host na alam daw ng mga nandoon na para sa kanya lahat iyon at iuuwi raw niya lahat ng dala niya.

Kaya naman pala nakakatanggap siya ng reklamo mula sa ibang staff ng show na wala silang natatanggap na giveaways dahil hinaharang ito ng masibang TV host.

Kaya siya na mismo ang nagdala para malaman niya kung saan napupunta ang mga giveaways. At nalaman niya na inuuwi lahat ng masibang TV host.

Dahil sa inasal ng masibang TV host sa sponsor, hindi na ito nagpapadala ng giveaways sa studio kundi pinapa-deliver na lang niya sa bahay or office ng ibang mga kasama sa show.

Hindi na sinama ang name ng masibang TV host dahil bukod sa bastos itong kausap, hindi nito inisip na para sa ibang kasama niya sa show ang mga giveaways.

Actor-rapper na si Will Smith napikon na sa isyung diborsyo

Noong nakaraang taon pa nabalitang maghihiwalay ang Hollywood couple na sina Will Smith at Jada Pinkett-Smith.

Ilang beses na ring pinabulaanan ng mag-asawa na may problema sa marriage nila at walang magpa-file ng divorce.

Kelan lang ay muling naging maingay ang divorce issue kina Will at Jada at sumabay pa ito sa pag-drop ni Will ng kanyang music video na To the Clique.

Nagsalita ulit ang 49-year old actor-rapper na walang problema sa 25 years of marriage niya kay Jada at dinaan nga niya ito sa bagong rap song.

“Stop the divorce rumors and mind your d--- business. The real-life Incredibles, last name Smith. Jada, Jaden, Willow, Trey — y’all ain’t f—ing with my clique.”

Ang To the Clique ay ang pagbabalik ni Will sa recording. Ang huli niyang album ay noong 2005 pa na Lost and Found.

Nagsalita naman si Jada sa kanyang Facebook Watch show na Red Table Talk. Kinuwento niya ang pagiging supportive ni Will sa kanilang marriage, lalo na noong magkaroon siya ng emotional breakdown.

“Will had always told me to put myself first, and I had never really understood what that meant.

“I think when I got more understanding about it, and he got more understanding about what that meant, it took a lot of communication.

“At the end of the day, Will is extremely supportive of giving me what I need,” diin pa ni Jada.

vuukle comment

WILL SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with