^

Pang Movies

Direk Jason kinukuyog pa rin ng ElNella

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Direk Jason kinukuyog pa rin ng ElNella
Jameson Blake at Janella Salvador

May mga umaaway pala sa Regal Entertainment Inc. producers at sa direktor na si Jason Paul Laxamana dahil pinagtambal nila sa So Connected sina Janella Salvador at Jameson Blake.

Hindi raw natuwa ang fans nina Janella at Elmo Magalona dahil hindi ito ang lead actor sa pelikula ng rumored girlfriend niya.

Imbyerna kuno ang fans nina Janella at Elmo dahil positive ang reviews sa So Connected at pinupuri ng entertainment writers ang strong chemistry nina Janella at Jameson.

Mali na sisihin ng fans ang mga produ at direktor ng So Connected dahil hindi naman nila kasalanan na lumabas na maganda ang pelikula. Besides, forte talaga ni Jason ang gumawa ng mga love story movie na malakas ang kilig factor.

Hindi naman porke pinagsama sa isang pelikula sina Janella at Jameson, type na ng Regal na buwagin ang loveteam nina Elmo at Janella.

Baka nakakalimutan ng avid fans nina Elmo at Janella na hindi ang kanilang favorite actress ang leading lady ng aktor sa Walwal, ang coming soon movie ng Regal Entertainment Inc. kaya walang dahilan para mang-away sila. Suportahan na lang nila ang mga movie project ng kanilang mga idol dahil kung aawayin nila ang Regal, baka hindi na ito mag-produce ng pelikula na sina Elmo at Janella ang mga bida. Sino ngayon ang mawawalan at maaapektuhan?

Controversial showbiz personality nagbubura ng mga comment tungkol sa bawal na pakikipagrelasyon

May nagkuwento sa akin na binubura ng isang controversial showbiz personality ang mga comment sa kanyang social media account tungkol sa diumano’y bawal na relasyon na pinasok niya.

Naghihinala tuloy ang mga tsismosa at intrigera na totoo ang tsismis na kinasasangkutan ng controversial personality.

Malakas ang kutob ng fans na true na involved sa illicit affair ang showbiz personality dahil pinili nito na manahimik kesa mag-deny. May image kasi ang showbiz personality na maagap sa pagtanggi kapag may mga isyu tungkol sa kanya na walang bahid ng katotohanan.

Inday... maingay

Rejoicing ang cast at staff ng Inday Will Always Love You ng GMA 7 dahil mataas ang rating ng pilot week ng kanilang primetime show.

In fairness, marami ang nagsasabi sa akin na pinapanood nila ang Inday Will Always Love You kahit maiingay ang mga eksena.

Hindi ko kinontra ang statement ng nakausap ko dahil knows ko na talagang literal na maingay ang show. Expected na ‘yan dahil hindi naman mga tahimik na babae sina Barbie Forteza at Gladys Reyes na ramdam na ramdam ang presence sa set.

Kauumpisa pa lang ng Inday Will Always Love You pero winner na winner at sinusubaybayan agad ng televiewers ang mga tarayan portion ng mga maliligalig na karakter nina Barbie at Gladys.

Iba pang biktima ni Kathelyn Dupaya sa showbiz nadagdagan pa

Lumantad na ang ibang mga biktima ng estafa ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya kaya inaasahan na magsasampa na rin sila ng kaso, tulad nang ginawa ng Lord of Scents na si Joel Cruz.

May image si Dupaya na inaaway sa social media ang mga artista na nagrereklamo laban sa kanya pero hindi niya magawa ‘yon kay Papa Joel dahil kumpleto ang mga ebidensya na inihain nito sa korte.

Idinaan ni Papa Joel sa tamang proseso ang reklamo niya. Imbes na mag-emote sa social media, naghain siya ng formal complaint sa korte na dapat na gawin din ng ibang mga complainant.

vuukle comment

JAMESON BLAKE

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with