^

Pang Movies

Angelica kinakawawa si JM!

Veronica Samio - Pang-masa
Angelica kinakawawa si JM!
Angelica

MANILA, Philippines — Kawawa naman si Angelica Panganiban kung totoo ang balita na ibinabalik niya si JM de Guzman sa pag-iinom na baka sa kalaunan ay mauwing muli sa pagbabalik ng bisyo nito.

Hindi maalis na mag-alala ang ama ng aktor dahil ikatlong tsansa na ito ng kanyang anak para tuluyang makakawala sa kanyang addiction. Nakakatulong pa sa malaking takot ng ama ang madalas na drinking session ng dalawa, ang pagrerebede ng kanyang anak sa “pakikialam” niya, ang sagutan nila sa socmed, At ang posibilidad na ma-broken-heart itong muli at bumalik sa kanyang bisyo. Tsk. Tsk. Tsk.

Ryza tipid pa ang exposure

Marami ang disappointed na parang hindi worth it ang unang programang pinaglagyan kay Ryza Cenon ng ABS-CBN matapos niyang iwan ang GMA. Hindi kasing laki ng programa ang role niya at bihira siyang makita.

Hihintayin na lamang siya sa The General’s Daughter at baka dun bumawi ang Kapamilya sa kanya. Matatandaan na napakalaki ng Ika-6 Na Utos na ginawa niya sa Kapuso at isa siya sa dalawang artista na nagdala nito.

Agot pinaGmi-mayor muna

Tama marahil ang pakiusap ng mga kababayan niya sa Marikina na tumakbo muna siyang mayor ng Shoe Capital of the Philippines na kung saan siya isinilang, lumaki at kung saan ay prominente at kinikilala ang kanyang pamilya, bago niya hangaring maging senador. Magiging magandang kandidato si Agot Isidro, lalo na ng oposisyon sapagkat walang takot itong pumuna sa mga kamaliang nagagawa ng kasalukuyang administrasyon, maging ni Pres. Duterte.

Mas maganda rin siguro na kapag nahalal siya ay maging fiscalizer siya maging ng sarili niyang partido. Magsisilbing pambawi si Agot sa mga kapalpakan ng mga pinaggagawa ng mga kapwa niya artista na naunang sumabak sa kanya sa pulitika.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with