^

Pang Movies

Anak nina Jessa at Dingdong, pasok sa concert ni Niall Horan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Anak nina Jessa at Dingdong, pasok sa concert ni Niall Horan
Jayda

Feeling nanalo sa lotto si Jayda Avanzado, ang fast-rising young recording artist ngayon dahil imagine special guest siya sa concert ng dating member ng One Direction na si Niall Horan sa Flicker World Tour sa Manila leg na gaganapin sa June 10, 2018 sa MOA Arena.

Hindi maitago ang tuwa at kilig ni Jayda na panay ang shout out sa Twitter na aminadong kabilang sa fangirl ni Niall.

Hindi makapaniwala ang dalaga nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na kakanta siya sa concert ng Irish singer-songwriter na si Niall.

Kaya ang daming inggit na fans kay Jayda na hindi na kailangang makipagsiksikan at pumila para lang makitang muli si Niall sa bansa.

Pagkakataon din ito para mapakinggan at mapanood si Jayda sa kanyang mahusay na performance na pambato rin ang boses sa magandang single nito na may title na Text.

Nangungulit tuloy ang fans na panay ang tukso sa kanila ni Darren Espanto na tiyak na proud kay Jayda, pero at the same time ay baka raw magselos kay Niall.

Mabuti na lang at mauunang magkasama ang dalawa bilang special guest din si Jayda sa concert ni Darren na may title na Darren Espanto Unstoppable sa KIA Theater ngayong Sabado ng gabi.

Parehong pambatong member ng Teen Squad sina Darren at Jayda ng ASAP Live tuwing Linggo na kinikiligan sa mga kulitan ng dalawa.

 

vuukle comment

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with