^

Pang Movies

Sharon, nakahanap na ng kapalit ni Gabby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, nakahanap na ng kapalit ni Gabby!
Sharon Cuneta

Natuwa at na-excite naman ang mga tagahanga ni Sharon Cuneta sa post ng kanilang idolo kahapon kung saan ay inanunsyo ni Megastar na may bagong pelikulang iprinisinta sa kanya ang Star Cinema.

Sa larawan ay makikitang katabi ni Shawie si direk Olivia Lamasan na head ng creative ng Star Cinema at sa caption ay ipinahayag niyang isang brand new movie ang ibibigay sa kanya. Meaning siguro, hindi na ito ‘yung reunion movie nila ni Gabby Concepcion at bagong script na.

“In Star Cinema now, being presented my brand new movie!!! Yippee!!! So very happy!!! Thank You, Jesus!!!” ang caption ni Sharon.

Katakut-takot na pagbati ang tinanggap ng aktres mula sa kanyang followers at nagtatanong na nga ang mga ito kung sino ang leading man.

Matatandaang ang reunion movie sana nila ni Gabby ang susunod na gagawin ni Sharon sa Star Cinema at nagkaroon na nga sila ng meeting tungkol dito.

Pero base nga sa post ni Sharon kamakailan, nag-back-out siya sa reunion project dahil too much naman daw ang demand ni Gabby.

Ngayong may iba nang pelikulang ibinigay kay Sharon, ang aabangan naman ng lahat ay kung sino ang kanyang leading man.

Pokwang nag-emote, hinaharangan ang pagbalik sa trabaho

Medyo malalim ang hugot na pinakawalan ni Pokwang sa kanyang Twitter account last Tuesday. Wala naman siyang tinukoy na detalyadong insidente or pangalan, pero tila may humaharang daw sa kanyang mga proyekto.

“Gusto ko lang naman mag hanap buhay ng marangal, at bilang nais ko lang din magbalik hanap buhay para sa mga anak ko, bakit parang may humaharang? inaano ko ba kayo? kakalungkot naman,” ang tweet ni Pokwang.

Marami namang nagbigay ng suporta at words of encouragement sa S sa comments section at sinabihan siyang huwag paapekto.

Matatandaang kapapanganak lang ni Pokwang noong Enero sa first baby nila ni Lee O’Brian and since then ay hindi pa siya nagbabalik sa trabaho.

Sa post niya, malinaw na gusto na niyang magbalik-trabaho pero may humaharang ng mga tao sa kanya. Kung sino ito, ‘yan ang malaking tanong.

Dingdong nagpapasalamat at maluwag ang GMA

Thankful si Dingdong Dantes na hindi naman siya pinipigilan ng GMA-7 na gumawa ng pelikula sa iba’t ibang produksyon kahit na nga ba kakumpetensiya nila tulad ng Star Cinema at Viva Films

Hindi na rin naman kasi active ang GMA Films sa paggawa ng pelikula at wala rin namang kontrata si Dong sa nasabing produksyon.

But just the same, nagpapasalamat ang aktor dahil kung hindi naman daw siya pinapayagan ng GMA-7 na gumawa ng pelikula ay hindi naman daw siya makakagawa.

“Collaborative rin naman ‘yan, so dahil sa pinayagan nila ako, kaya nakakagawa ako,” he said.

Under Viva Films ang latest flick niya with Anne Curtis na Sid & Aya (Not a Love Story) na showing na sa May 30 at ani Dong, dito naman daw siya talaga nagsimula.

“Viva naman, ibang usapan, dahil nag-umpisa talaga ako sa Viva. Nun’g 20 years ago, TGIS, Viva talaga ang unang kumuha sa akin,” he said.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with