^

Pang Movies

Deo Macalma bagong Bise-Presidente at station manager ng DZRH

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinirang kamakailan ng Manila Broadcasting Company si Deo Macalma bilang panibagong bise presidente at station manager ng DZRH.

Kilala bilang si “Lakay” sa mga tagapakinig, si Macalma ay naging em­pleyado ng DZRH noong 1980, nang siya’y magtapos ng journalism sa Lyceum of the Philippines. Sumikat siya bilang  field reporter noong 1986 EDSA Revolution, nang walang takot siyang humabol sa mga tangke, alinsunod sa utos ng da­ting news director na si Rey Langit.

Sa paglipas ng mga taon, siya’y naging komentarista, at higit na nakilala sa kanyang nakakatawang diskurso sa mga napapanahong balita.  

Pero sadyang sumikat si Macalma sa kanyang Espesyal na Balita, kung saan naghahain ng mga nakakakilig na chismis ang kanyang mga bubuwit, na kinabibilangan ng mga roomboy, waiter, security guard, at mga empleyado sa ospital. Hindi nagtagal at maging mga senador, kongresista,  he­neral at pati miyembro ng gabinete ay nagdadala na rin sa kanya ng mga balita ukol sa mga sekreto ng mga artista, atleta, at pulitiko. Ayon kay Deo, ang estilong ito ay nakatulong na buksan ang mata ng publiko sa mga katiwalian sa gobyerno,  na siyang ginagawa na rin ng ilang programa sa ibang istasyon.

Mula nang mamatay ang dating pinuno ng DZRH na si Joe Taruc, si Macalma na ang pumuno sa puwang ng yumaong brodkaster.

Sa kanyang pangunguna, walang takot na sinusuong ng news and public affairs team ng DZRH ang masalimuot at peligrosong daigdig ng pagsasahimpapawid sa radyo.

vuukle comment

DEO MACALMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with