^

Pang Movies

Dingdong wala pang maisagot sa kandidatura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong wala pang maisagot sa kandidatura
Dingdong

Tikom ang bibig ni Dingdong Dantes sa mga nagtatanong tungkol sa diumano’y plano niya na pagpasok sa mundo ng pulitika sa 2019.

May kumakalat na tsismis na kakandidato na senador si Dingdong pero may balita na type niya na tumakbo bilang representative ng isang party-list.

Napakaaga pa para pag-usapan ang mga balak niya sa susunod na taon kaya understandable na ayaw ni Dingdong na pag-usapan ang isyu.

May nagkakalat kasi ng tsismis na kakandidato si Dingdong na senador sa ilalim ng Liberal Party pero walang katotohanan ang balita.

Ang name ni Agot Isidro at hindi ang pangalan ni Dingdong ang lumitaw bilang isa sa mga perso­nalidad na posibleng imbitahan ng Liberal Party para makumpleto ang listahan ng mga senatoriable ng partido na kinaaniban ng dating Philippine president na si Noynoy Aquino.

Limang buwan pa ang hihintayin ng lahat para malaman kung sino ang mga personality na kakandidato para sa iba’t ibang posisyon sa halalan sa 2019.

Mabilis ang takbo ng panahon kaya wait na lang tayo sa pagdating ng buwan ng October dahil siguradong lalantad na sa publiko ang mga tatakbo sa eleksyon sa susunod na taon.

Resignation ni Cesar, inasahan na

Hindi shocking ang resignation ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board noong Lunes dahil expected na ang pagbibitiw niya sa tungkulin mula nang masangkot siya sa kontrobersiya ng isang project ng Department of Tourism at ng government agency na kanyang pinamumunuan.

Hindi porke nag-resign si Cesar eh guilty na siya sa mga paratang laban sa kanya. I’m sure, may personal na dahilan si Cesar kaya madali sa kanya ang magbitiw sa puwesto at kung kilala siya ng mga tao, alam nila na haharapin ni Cesar ang mga intriga at isyu na idinidikit sa pangalan niya.

Iza at Edgar Allan hindi pumasa sa Urian

Super react ang mga film buff dahil marami sa mga artista na nagpakita ng superb acting sa mga pelikula na ipinalabas noong nakaraang taon ang hindi nominado sa Gawad Urian 2018.

Shocked ang mga observer dahil dinedma ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang performance nina Iza Calzado at Edgar Allan Guzman.

Si Iza ang bida sa Bliss at pinuri ang acting ni Edgar Allan sa Dedma Walking pero dedma sa kanila ang MPP members.

Iba’t iba ang panlasa ng mga miyembro ng mga award giving body kaya dapat na lang na igalang ng mga nagrereklamo ang desisyon ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Pagsasama nina Maine at Maricel, may pag-asa!

May narinig ako na balita na puwedeng matuloy ang pagsasama nina Maricel Soriano at Maine Mendoza sa isang project pero hindi malinaw sa akin kung sa pelikula o sa telebisyon.

Basta ang sigurado ako, very positive ang mga feedback tungkol sa possible team up nina Maricel at Maine na matagal nang walang ginagawang pelikula kaya it’s about time na bigyan na siya ng movie project.

Hindi puwedeng sa TV lang mapapanood si Maine dahil sayang ang acting talent niya na dapat na masilayan din sa silver screen.

Kahit hindi pa sure na 100% ang pagsasama nila sa isang project, marami na ang nag-aabang sa pagsasama nina Maricel at Maine.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with