^

Pang Movies

Royal wedding patuloy na pinag-uusapan!

Aster Amoyo - Pang-masa
Royal wedding patuloy na pinag-uusapan!
Meghan Markle at Prince Harry

MANILA, Philippines — Ang 36-year old (turning 37 on August 4) American actress at divorcee na si Rachel Meghan Markle ay official nang miyembro ng British royal family matapos itong ikasal sa bunso nina Prince Charles at ng yumaong si Princess Diana na si Prince Harry nung nakaraang Sabado sa United Kingdom.

Hindi nakadalo ang ama ni Meghan na si Thomas Markle, Jr. dahil nagpapagaling pa ito sa kanyang sakit sa puso kaya si Prince Charles, ama ni Prince Harry ang naghatid kay Meghan sa altar.

Ang British designer na si Clare Waight Keller ng Givenchy ang nag-design ng simple and yet elegant wedding gown ni Meghan habang si Stella McCartney naman ang gumawa ng isang white gown na suot naman ng misis ni Prince Harry sa dinner reception hosted by Prince Charles na ginanap sa Frogmore House with just about 250 guests.

Hindi man nakadalo sa royal wedding ang ama ni Meghan, pinanood niya sa TV ang kabuuan ng kasal ng kanyang anak kay Prince Harry ayon sa mga balita.

Kahit makapal ang dami ng tao occupying the long stretch ng Windsor Street, hindi nakaligtas sa paningin ni Meghan ang kanyang matandang drama teacher na si Gigi Perreau na nagtiyagang makipagsiksikan sa Windsor Castle crowd makita lamang niya ang dati niyang estudyante.

Pagkatapos ng carriage procession after the wedding ay bumalik ang bagong mag-asawa sa loob ng Windsor Castle para naman sa late lunch reception na ginanap sa St. George Hall kung saan nag-perform si Elton John (na malapit na kaibigan ni Princess Diana) sa kahilingan na rin ni Prince Harry. Nagbigay naman ng emotional na mensahe si Prince Charles para sa kanyang bunso at napaiyak diumano ang halos lahat ng mga bisita.

Pero takaw-pansin sa lahat ng mga eksena sa kasalan na tinutukan ng buong mundo, ang suot na emerald cut aquamarine ring na suot sa kanang kamay ni Meghan dahil isa ito sa mga paboritong isuot ni Princess Diana nung ito’y nabubuhay pa. 

Mahilig si Princess Diana sa kulay blue kaya maraming touch of blue sa kasal nina Prince Harry at Meghan bilang tribute na rin nila sa namayapang ina ng prinsipe.

At kahit nung Sabado pa ginanap ang kasalan, patuloy itong pinag-uusapan particular na sa social media.                                                                    

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

PRINCE HARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with