^

Pang Movies

Nora hindi nawawalan ng pag-asa sa mga anak

Vir Gonzales - Pang-masa
Nora hindi nawawalan ng pag-asa sa mga anak
Nora

MANILA, Philippines — Sa darating na May 21 ay kaarawan na ng nag-iisang Superstar Nora Aunor, pero walang plano ito na gumawa ng magarbong pagdiriwang tulad noong mga nakaraang panahon sa kanyang buhay.

Senior citizen na si Ate Guy at alam na niya ang mga dapat gawin.

Masaya si Nora ngayong kaarawan niya dahil may teleserye siyang ginagawa sa Kapuso.

Sa paglabas muli ni Guy sa teleserye, dapat itigil na yung mga negatibong isyu na kesyo may special treatment daw siya sa Kapuso dahil hindi magdamagan ang taping niya. Hindi na raw kaya ng Superstar ang mga ginagawa niya tulad noong araw na super puyatan, at saka sinong senior citizen ba namang artista ang palaban pa sa puyatan at trabaho?

Marami lang ang nakapansin na bakit ngayon ay pumirma na siya sa GMA 7 ng two year contract, samantalang noon naman ay ayaw niyang pumirma sa kahit saang network.

Ayon kay Guy, hindi raw pala mataas na TF ang mahalaga, kundi maprotektahan din dapat ang kalusugan. 

Sana raw sa birthday niya ay magkaayos na sila ng anak niyang si Lotlot De Leon, dahil ang tagal na ng kanilang tampuhan.

Tapos na ang Mother’s Day, pero umaasa pa rin si Ate Guy na lalambot ang puso ng kanyang anak.

Alden inaabangan sa concert ng Air Supply

Sa May 31, nasa Sta Cruz, Laguna Sports complex ang pamosong grupong Air Supply.

Bongga talaga ang mga taga-Sta. Rosa, Laguna, naunahan nila ang ibang venue sa mga sikat na singer.

May nagtatanong nga, manood daw kaya si Alden Richards dahil sa bayan niya gaganapin ang nasa­bing concert?

Dating bold stars, bumabangon ang career

Marami ang nagtataka, bakit daw kahit wanted sa buong Pilipinas ang grupo nina Coco Martin ay nagagawa pa raw nitong gumala at may oras pang manood ng rally ni John Arcilla ng wala man lang nakakilala sa kanila? Napaka-imposible pero napalusot ito ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. 

Lumulutang ang acting performance ni JC Santos na mabagsik ang karakter, paano kaya kapag nagkaharap sila ni Coco Martin? Sino ang lulutang sa kanilang dalawa. Papansin din mga bold star na sina Katya Santos, JC Parker, Maui Taylor, Gwen Garci at Zara Lopez kasama sina Mc Muah at Minnie Aguilar. At least nagkaka- project muli ang mga dating sexy stars.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with