^

Pang Movies

Pabebe no more… James at Nadine, nag-level up na talaga

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Pabebe no more� James at Nadine, nag-level up na talaga
JaDine

Si James Reid ang big winner ng ma­tagumpay na MYX Music Awards na ginanap kamakailan lang at naghakot ng mga awards gaya ng Song of the Year, Music Video of the year, Male Artist of the Year at Artist of the Year.

Walang komontra sa mga nasa­bing awards at talagang pinatunayan ni James ang talent niya sa music dahil  first love ng singer/actor ang singing.

Ang kanyang kantang The Life na nanalo ring Music Video Appearance of the Year, ang nobya pa niyang si Nadine Lustre ang nagdirek ng music video.

Hindi lang mga Pinoy fans ang pinahanga ng dalawa kundi maging ang ibang foreign music lovers na impressed sa nasabing kanta. Nagre-request pa ang isang American woman fan na nag-comment sa YouTube ng official music video ng The Life na sana raw ay marinig sa mga LA club ang kanta ni James dahil sa kakaibang approach nito.

Bale ba ang The Life ang isa sa paboritong single sa self titled album ni James na patok maging sa ibang Asians countries.

Gulat sila sa style ng singing ni James na world class daw ang dating at ng OPM music video nito. Saludo rin ang lahat kay Nadine na totoong superb quality ang pagkadirek nito sa personal touch niya sa music video ng boyfriend na dapat daw ay bigyan pa ng maraming pagkakataon na mailabas ang creativity  sa pagdidirek ng music video.

Wala na ngang hindi kayang gawin ang JaDine loveteam, mapa-acting man o singing ay laging flying high sa kanilang mga career.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with