^

Pang Movies

Maine muntik itumba ng fan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maine muntik itumba ng fan!
Maine

Muntik nang matumba si Maine Mendoza nang bigla siyang hilahin sa leeg ng isang fan para siya halikan. Wala naman silang intensiyong masama pero nakakasakit na sila ng kanilang kapwa. Noong minsan naman may biglang sumuntok kay Maine, tapos ang sabi ang babae naman daw na iyon ay medyo menos-menos ang utak kaya pinabayaan na lang sa kanyang ginawa.

Pero ang papansinin namin diyan, mukhang masyado yatang kampante ang kalooban ng mga security personnel ng Eat Bulaga at napapabayaan nilang mangyari ang ganyan sa kanilang mga artista. Buti ganyan lang, eh kung sira ang tuktok at biglang saksakin si Maine? At saka sila magkakagulo kung may nangyari nang hindi maganda.

Anne aminadong dating chuwariwap

“Noong una kaming magkasama ni Dingdong Dantes, twenty years ago, Chuwariwap girl pa lang ako noon,” sabi ni Anne Curtis tungkol sa naging una nilang pagsasama ng kanyang leading man na si Dingdong Dantes noong araw. Kaya hindi nga raw niya iniisip na magiging leading lady siya ni Dingdong ngayon sa pelikulang Sid & Aya.

“Noon ang mga roles ko, pinsan ng bida, barkada ng grupo, iyong mga ganoon lang,” ang natatawa pang sabi ni Anne.

In short wala pa siyang name noong panahong iyon. Una siyang nasabak sa isang pelikula na hindi naman masasabing malaking hit talaga, tapos maikli rin naman ang kanyang role dahil nasapawan sila ng mga senior stars na kasama sa pelikula. Pero suwerte rin naman si Anne, dahil ang mga nakasama sa pelikulang iyon na mga artistang lalaki, lahat ay wala nang career ngayon samantalang siya sumikat at naging big star.

Ang bida noon sa tv series na partner ni Dindong, wala na ring career ngayon.

Si Anne ang naging bagong leading lady. At hindi lang siya artista, singer at concert artist na rin siya.

Hindi mo masasabi talaga ang suwerte ng isang tao. Iyong chuwariwap noon, tingnan ninyo kung gaano na kahalagang star sa ngayon.

Kasi talagang nagsikap din naman si Anne. Hindi naman siya magiging isang mahusay na aktres kung hindi niya pinag-aralan nang husto ang kanyang trabaho. Wala rin namang mangyayari sa kanya kung di siya nagtiyaga.

Hindi madaling propesyon ang pagiging artista.

Iyang mga artista, hindi lang napapagod at napupuyat. Kung minsan nagkakasakit pa sila dahil sa kanilang trabaho. Apektado pati ang kanilang emosyon dahil sa kanilang pag-arte. Kaya ‘yun sinasabi ni Anne na dati chuwariwap lang siya, aba eh makikita mo na ang lahat ay nangyari dahil sa kanyang pagsisikap.            

Aktor-aktoran mas piniling gumawa ng sex video sa bading na foreigner kesa mag-indie film

May tsismis ang isang sexy female star. Sabi niya, hindi part ng indie film iyon, kung di talagang may sex video ang isang male star at kilala raw niya kung sino ang bading na gumawa noon. Alam daw naman ng male star ang sex video, dahil nagpabayad siya nang kunan ang video na iyon. Para raw sana sa isang bading na foreigner ang video na iyon, at nakakagulat na kumalat nga rito sa atin.

Aminado ang sexy female star, siya rin ay nakagawa na ng ganoong sex video, at binayaran siya.

“Tutal ganoon din naman sa indie, mas malaki pa bayad sa private video,” sabi niya.

 

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with