^

Pang Movies

Vice dumiretso sa HK para kitain ang dyowa?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Vice dumiretso sa HK para kitain ang dyowa?!
Vice

Noong Friday lang nakabalik ng bansa si Vice Ganda mula sa Canada at US concert tour niya.

Pero pagdating na pagdating, kinita lang daw ni Vice ang kaibigang fashion designer na si Paul Cabral at lumipad din sila pa-Hong Kong kasama ang isa pang kaibigan.

Kaibigan lang kaya ang kasama ni Vice, hindi kaya may nauna na sa Hong Kong na special someone niya?

Last year kasi, ilang beses natsikang nag-Hong Kong si Vice kasama ang special someone na hindi naman niya iniri-reveal kung sino.

Napansin nga pala ng ibang mga kakilala ni Vice na mas malihim na ngayon ang gay TV host/comedian pagdating sa kanyang love life.

Anyway, sana naman bukas ay nasa It’s Showtime na si Vice dahil miss na miss na siya ng kanyang fans, huh!

Juday hindi umaarteng sikat, Martin proud

Nagkita sa isang event sa World Trade Center noong Friday night sina Martin Nievera at Judy Ann Santos.

Pinost ni Martin ang picture nilang dalawa ni Juday sa kanyang Instagram account (@martinnievera) at ang caption niya ay, “@officialjuday is still one of the most sincere artists I know. So proud to call her friend! It was a pleasure seeing you!”

Natuwa si Martin sa gesture ni Juday na pinuntahan pa siya sa kanyang dressing room para bumati.

Simpleng bagay lang ang ginawang ‘yon ni Juday, pero bilib si Martin dahil kahit sikat ang misis ni Ryan Agoncillo ay ito pa ang unang bumati sa kanya.

May ibang young stars kasi ngayon na porke mga sikat ay gusto pa yata na ang mga nauna sa kanila sa showbiz ang unang babati sa kanila, ‘noh?!

Anne ‘di lumaki ang ulo

Kapareho rin ng ugali ni Juday ang Sid & Aya: Not A Love Story star na si Anne Curtis.

Kahit sikat na sikat at nangungunang female star sa social media, isa sa mga artistang mababait sa entertainment press si Anne.

Basta kilala rin niya, siya pa ang unang babati. Hindi ka rin mag-aalangang magtanong kay Anne dahil always willing siyang sumagot.

Hindi siya katulad ng iba na kapag iniinterbyu ay parang palaging may humahabol dahil sa pagmamadali, huh!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with