^

Pang Movies

Young actor na in demand sa mga executive, nagka-windang windang ang sked

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Napupundi na ang isang direktor sa schedules ng isang young actor. Hanggang ngayon kasi ay nakabitin pa rin ang project na gusto niyang ipagawa sa aktor.

Apple of the eyes kasi ngayon ng ilang bading na executives ang guwapitong aktor. Binigyan agad siya ng lead series kahit na nga may ginagawa itong pelikula.

Eh, may control sila sa schedules ng aktor kaya hindi mabigyan ng priority ang pelikulang ginagawa. May iba pang commitments ang aktor na hindi rin nya nabibigyan ng atensyon, huh!

Wala namang choice ang aktor kung di sumunod sa namamahala ng kanyang career kahit na nga sumasabit-sabit na siya sa ilang schedules, huh!

Ryan nakipaglandian sa Miss Venezuela!

Nilandi-Landi ng Super Sireyna contestant mula sa Venezuela si Ryan Agoncillo na host sa question and answer portion ng transwoman contest sa Eat Bulaga.

“My boyfriend!” “Te Amo!” ang pahayag ni Miss Venezuela at sinundan niya ito ng yakap kay Ryan.

Depensa si Ryan, sinabi niyang selosa ang asawa niyang si Judy Ann Santos! Pero after ng Q & A, game namang nakipagsayaw ni Ryan sa contestant kahit mas matangkad sa kanya ang Super Sireyna, huh!

Sa totoo lang, taob ang tunay na babae sa ganda ng walong contestants sa Super Sireyna Worldwide 2018, huh!

Aiko fan na fan ni Marian

Naging ugat ng mga hanash ang pagkomento ni Aiko Melendez sa recent foto ni Marian Rivera sa Instagram kaugnay ng bagong campaign sa isang endrorsement.

“So pretty,” komento ni Aiko. Sinegundahan siya ng netizen “korek ka po dyan.” Tugon naman ni Aiko, “Idol ko ‘yan eh.”

Hindi na lang pumatol ang Kapamilya actress sa komento ng ilang netizens sa ibinabatong banat kay Marian na hanggang panlabas lang daw ang ganda niya at hindi sa panloob na ugali, huh!

Hayun, kinuyog siya ng defenders ng GMA Primetime Queen.

vuukle comment

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with