^

Pang Movies

20 taon bago nagkasama!

Aster Amoyo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang dekada ang binilang bago nagsama sa isang pelikula sina Anne Curtis at Dingdong Dantes na dating magkasama sa youth-oriented TV series ng GMA, ang T.G.I.S. na tumagal sa ere ng apat na taon (1995-1999) kung saan nakasama ni Dingdong ang ex-girlfriend niyang si Antoinette Taus.

Eighteen na noon si Dingdong at 14 lamang si Anne. Pero sa mga sumunod na taon ay naging Kapamilya na si Anne habang si Dingdong ay nananati­ling Kapuso.

Sa loob ng dalawampung taon ay hindi nagkaroon ng pagkakataon sina Anne at Dingdong na magsamang muli sa isang proyekto lalo na sa pelikula hanggang sa dumating ang pelikulang Sid and Aya (Not A Love Story) na sinulat at dinirek ni Irene Villa­mor, the same director ng hit movie na Camp Sawi at Meet Me in St. Gallen.

Although pareho nang may-asawa ngayon sina Anne at Dingdong, masaya ang dalawa na nagkatrabaho sila sa isang kakaibang pelikula na tiyak umanong magugustuhan ng mga manonood.  Part of the movie ay kinunan sa Tokyo, Japan at co-produced ng Viva Films at N2 Productions ni Neil Arce.

Marlo umaasa pa rin kay Janella!

Hanggang ngayon ay clueless pa rin ang singer-actor na si Marlo Mortel kung bakit nabuwag ang tambalan nila ni Janella Salvador considering na naging matagumpay naman ang kanilang mga projects na pinagsamahan tulad ng Be Careful with My Heart, O.M.G., Wansapanataym Presents  at maging sa pelikulang The Haunted Mansion ng Regal Films.

Nalungkot man si Marlo sa maagang pagkawala ng loveteam nila ni Janella, umaasa pa rin siya na magkakatrabaho pa rin silang dalawa balang araw kahit hindi bilang magka-loveteam.

Wala pang bagong ka-loveteam na ipinapareha sa kanya ang ABS-CBN pero patuloy naman siya bilang solo actor  at sa kanyang pagiging isang singer at segment host ng Umagang Kay Ganda.

Sofia, Tagalog song naman ang gagawin

Maganda ang feedback sa awiting Thinkin’ of U ni Sofia Romualdez na siya rin mismo ang nag-compose under Viva Records.

Balak ng young singer na mag-compose ng isang Tagalog song na gusto niyang isama sa kanyang debut album under Viva Records.

Ang Viva recording artist ay isa rin sa mga VJs ng OPM TV.

Si Sofia ay anak ng mag-asawang Alfred Romualdez at ng mayor ng Tacloban na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez.

                                                                                                   

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with