^

Pang Movies

Ricky inililihim ang pagiging bading

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ricky inililihim ang pagiging bading
Ricky

Kasama sa pelikulang Kasal nina Derek Ramsay, Bea Alonzo at Paulo Avelino si Ricky Davao.

Hindi nasusulat na bading ang role ni Ricky sa Kasal.

Sa birthday party ko sa Karaoke Republic sa Timog A­venue, Quezon City, tinanong ko si Ricky tungkol sa bading na role niya sa pelikula ni Bea, pero hindi siya nagsalita.

“Watch mo na lang,” sabi ni Ricky sa akin.

Nang magtanong-tanong ako sa ibang mga taga-ABS-CBN, ang alam daw nila, ayaw ipasabi ng mga taga-Star Cinema ang role ni Ricky sa Kasal.

Pero ang galing-galing daw ni Ricky sa Kasal, kaya kahit mabuking naman na bading nga ang role niya roon ay tiyak namang mas marami pa nga ang mae-excite sa pelikula dahil doon.

Nanay ni Barbie ayaw magpaka-OA sa pagpapaseksi ni Jak

Naku, mabuti na lang at kasama rin si Derrick Monasterio sa isang sexy concert kagabi sa Music Museum or else, baka hindi napanood ni Barbie Forteza ang boyfriend na si Jak Roberto na kasama rin doon, huh!

Eh, si Derrick ang leading man ni Barbie sa Inday Will Always Love You romantic-comedy series ng GMA 7 na magpa-pilot telecast na sa Monday at may taping sana sila kahapon, pero dahil may sexy concert nga kagabi si Derrick, hindi nag-schedule ng taping kahapon, kaya pati schedule ng young actress ay nabakante.

Dahil nga roon, napanood ni Barbie si Jak.

Hindi naman sumama kay Barbie ang parents niya sa panonood kay Jak dahil sabi sa akin ni Mommy Amy, “Conservative pa rin kasi kami ni Daddy pagdating sa mga ganyan. Saka baka ma-concious lang kami sa panonood kay Jak.

“Ayaw rin naman namin na ma-concious sa amin si Jak kapag nakita niya kami sa audience, kaya hinayaan na lang namin na si Barbie ang manood at mag-enjoy!”

Tanggap ng parents ni Barbie ang relasyon nila ni Jak.

Samantala, kahit puyat-puyatan kagabi sa sexy concert ng boyfriend, hindi puwedeng hindi gumising ng maaga ngayon si Barbie dahil papunta sila ni Derrick kasama sina Manilyn Reynes at Super Tekla sa Cebu para sa Inday Will Always Love You mall show sa Gaisano Island Mall Mactan mamayang 4:00PM.

Totga muntik i-extend

Nagtapos na kagabi ang The One That Got Away na pinagbidahan sa GMA 7 nina Dennis Trillo at Lovi Poe, pero muntik-muntikan na palang mag-extend uli ang nasabing romantic-comedy series.

Nakahanda na raw sana ang storyline para sa extension uli nila (naka-18 weeks sila), pero naisip daw ng mga taga-Kapuso network na baka isipin ng viewers na pinahahaba na lang ang show at mawalan pa ng gana at bumagsak ang rating nila.

Elnella fans ayaw tantanan si Jameson

Hate ng ibang ElNella fans ang kapareha ni Janella Salvador sa So Connected na si Jameson Blake, pero trabaho lang naman daw ang pagsasama nila sa pelikulang ‘yon ng Regal Entertainment, kaya ang request daw ng dalaga ay huwag naman sanang ganoon ang ibang fans.

No bashing din daw sana kay Jameson.

Hindi naman daw kasi nangangahulugang mabubuwag na ang loveteam nina Janella at Elmo Magalona dahil lang sa ipinareha sa iba ang dalaga.

Remember, ang tsika ay boyfriend na talaga ni Janella si Elmo!

vuukle comment

RICKY DAVAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with