^

Pang Movies

Shamcey wala nang bilib sa ultrasound

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Shamcey wala nang bilib sa ultrasound
Shamcey

Lalake ang gustong second baby ng mag-asawang Lloyd Lee at Shamcey Supsup-Lee.

Kasalukuyang kasing four-months pregnant ang former Miss Philippines-Universe.

Ayaw din daw umasa ng mag-asawa sa resulta ng ultrasound dahil sa unang baby nila, lumabas na lalake raw ito, pero girl ang naging panganay nila Lloyd at Shamcey.

“Nakakatawa nga kasi when I was pregnant with Nyke, lalake ang lumalabas sa ultrasound. As in 99 percent na boy daw ang dinadala ko.

“Pero it turned out na girl pala siya. Kaya alam nyo ‘yon, mahirap nang mag-rely sa mga ganyan ngayon.

“But we are praying ni Lloyd na we have a boy naman,” ngiti pa ni Shamcey.

Hindi raw planado ang pagbubuntis ulit ni Shamcey. Nalaman na lang daw ng former beauty queen na pregnant siya noong magbakasyon sila ni Lloyd sa Canada.

“We were discussing it pa lang dahil two-years old na si Nyke and ready na ba kami for another baby?

“Hanggang doon pa lang ang napag-uusapan namin ni Lloyd, not until we were vacationing in Quebec na nalaman ko that I was pregnant and that was Valentine’s Day pa.

“So it’s a blessing kasi dumating itong pagbubuntis ko, we were already starting our new food business which is Scott By PNC.

“Kaya naisip namin na, it’s really a blessing kasi nagsabay pa sila,” diin pa ni Shamcey.

Noong grand opening ng Scott By PNC sa Uptown Mall, nataon pa na birthday ni Shamcey.

Tinanong namin kung ano ang regalo ni Lloyd sa kanyang misis na kasalukuyang pregnant sa second baby nila?

“Kapag birthday ni Shamcey, always na we go on trips, either here or abroad. Ngayon kasi na she’s pregnant and we just opened our new business venture, baka dito-dito lang kami. I just want to make her happy on her birthday,” sey pa ni Lloyd.

Marlo pinagdarasal si Janella 

Inamin ng aktor na si Marlo Mortel na matagal na siyang walang communication sa dating naka-loveteam niyang si Janella Salvador.

Simula raw na paghiwalayin sila bilang loveteam, naging madalang na raw silang mag-usap o magkumustahan ni Janella, kaya wala raw siyang alam sa mga nagaganap na problema nito sa inang si Jenine Desiderio.

“I hope that Janella is doing okay. Hindi madali itong pinagdadaanan niya kasi mother ko na ‘yung nakakabangga mo.

“I just pray na maging okey sila ni Tita Jenine. After all, magkagalit man kayo, you are still family at dapat pinoprotektahan ninyo ang isa’t isa,” sey pa ni Marlo.

Nagkuwento din si Marlo na wala siyang naging problema sa ina ni Janella noong magka-loveteam pa sila.

Gustong i-pursue ni Marlo ang matagal na niyang pangarap na maging isang full pledged singer at kinuha niya bilang co-manager si Jonas Gaffud of Mercator.

vuukle comment

SHAMCEY SUPSUP-LEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with