^

Pang Movies

Anne ayaw pa ring mabuntis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Mga bata pa sina Dingdong Dantes at Anne Curtis nang una silang magkasama sa TGIS ng GMA 7 at hindi na ‘yun nasundan dahil napalipat na nga ang aktres sa ABS-CBN kaya it took 20 long years bago sila nagkasama ngayon sa Sid & Aya (Not a Love Story) under Viva Films.

“Sobrang bata pa ako no’n, chuwariwariwap girl lang ako, support-support lang, kapatid ni Dino (Guevarra), kapatid ni Antoinette (Taus), pinsan ni Kim delos Santos, mga ganyan-ganyan roles ko, partner ni Chubi (del Rosario),” pagre-recall ni Anne sa grand media conference ng Sid & Aya (Not a Love Story) ng Viva Films kung saan ay sila ni Dingdong ang magkapareha.

That time nga raw ay parang hindi raw talaga maiisip na pagtambalin sila.

“So after 20 years in the making, I guess, it helped in a way na nagkatrabaho na kami dati, so ngayon na nagka-work kami, medyo kumpor­table, hindi nagkakailanganan.

“So I guess it worked in our favor na siguro nagka-work na kami 20 years ago. Ako para sa akin, naging okay ang working experience kasi nagka-work na kami dati,” sabi pa ni Anne.

Ayon naman kay Dingdong, natatandaan pa niya that time na si Anne was only 14 years old then at siya naman ay 18 yrs. old.

“Si Anne, isa sa pinakabata sa set namin noon. Meron siya parating sinasabi na hanggang ngayon, ‘yung mga crew sa GMA, ‘yun ang pagkakakilala sa kanya kapag nagtse-check siya ng audio.

“So talagang very, very familiar kami sa kanya. That’s why ‘yung familiarity di siya nawala even 20 years na ang nakalipas bago pa kami nagsama.

“Kasi ako personally, I think I’m someone who is stuck in the 90s. Nagka­kilala kami in the 90s and the theme of the film is somehow related to what the people from the 90s experience,” saad naman ni Dong.

At dahil nga pareho na silang may asawa ngayon, marami na ang nabago sa kanila. Mas matured na sila at mas passionate na sa trabaho plus mas marami na silang experience in life na pwede nilang magamit sa kanila-kanilang karakter.

Natanong nga si Anne kung hindi ba siya naiinggit kay Dong na may pagka-cute-cute na itong anak at ayon sa aktres, darating din naman daw ‘yun at the right time para sa kanya.

“Basta ine-enjoy ko na lang po ‘yung lahat ng ginagawa ko ngayon. I just take passionate with everything that I do. Siguro when the time comes that ibiibigay ni Lord sa akin ang panahon na maging isang mommy, I’ll be even more passionate about that.

“I believe there’s a time for everything and that will come at the right time po,” pahayag ni Anne.

Samantala, Sid & Aya (Not a Love Story) is showing on May 30 nationwide mula sa direksyon ni Irene Villamor.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with