^

Pang Movies

Herbert tikom ang bibig sa lambingan nila ni Kris sa sinehan!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Herbert tikom ang bibig sa lambingan nila ni Kris sa sinehan!
Kris at Herbert

Buking ang movie date nina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa block screening ng pelikulang Kasal sa isang sinehan sa Quezon City. Walang post tungkol sa date sa Instagram ni Kris pero ipinadala sa isa niyang kaibigang entertainment writer ang picture nila ni Mayor Herbert.

Eh, nang tinext namin ang QC Mayor tungkol sa lumabas na report, wala siyang tugon as of this writing.

Anyway, suporta ni Kris sa bidang si Bea Alonzo ang manood ng pelikula na kanya pang ni-review sa kanyang IG.

Heart natanggap na ang pagkawala ng isang anak

Good mood pa rin ang dating ni Heart Evangelista sa latest photo niya sa Instagram matapos niyang iparating sa kanyang IG ang pagkamatay ng isa sa kambal na ipinagbubuntis niya.

Ipinakita ni Mrs. Chiz Escudero ang unang ultra sound ng anak na isisilang. Natuwa nga sila ni Sen. Chiz nang malamang kambal ang nasa sinapupunan niya na all natural daw ang pagkakabuo.

“Unfortunately one of the embryos was smaller and behind in terms of development so we lost one of the twins. Our hearts were heavy at the thought but we knew we had to focus on the good.

“This is the fist photo of the twins where you can see the other embryo who is healthy and showing more positive signs of development,” bahagi ng post ni Heart.

Batid ni Heart na meron na silang munting anghel sa langit. “I have to thank my wonderful husband who really has been my partner through it all. There is no one else I would rather do with this.”

Naganap ang malungkot na balita bago pa man naglabas ng announcement na buntis na siya.

Mother L inaalok ng date si Jameson

Umaasa si Mother Lily Monteverde na pagbibigyan siya ni Jameson Blake sa nilalambing niyang dinner nilang dalawa.

Kung nu’ng unang makita ay ang kaguwapuhan ang nagustuhan niya kay Jameson, aba, nang mapanood niya ang movie ng Hashtag member na So Connected with Janella Salvador, puring-puri niya ang acting nito, huh!

“Naka-relate din ako kahit millennial ang story. Ako na ang Millennial Lola! Ha! Ha! Ha! Ang galing ng director at ng story. Si Jameson na ang bago kong love! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Mother Lily.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with