^

Pang Movies

Kaye nagmamadaling mabuntis uli!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kaye nagmamadaling mabuntis uli!
Kaye at Pio

Last December pa lamang nang ipanganak ni Kaye Abad ang kanilang pa­nganay ni Paul Jake Castillo na si Pio Joaquin.

Nonetheless, hangad daw ni Kaye na kaagad ay magdalang-tao muli. Katuwiran niya, she may run out of time. E, gusto raw nila ni Paul Jake, mabigyan ng kahit dalawang nakababatang kapatid si Pio Joaquin.

“Hindi na ako bumabata, you know,” ani Kaye, sabay-hawak sa kanyang tiyan. “Age, may catch up on me.”

Kaye marked her 36th birthday last May 17.

Sa Cebu na naninirahan si Kaye kung saan kilala ang pamilya ni Paul Jake. Mayroon din silang restaurant na steak ang sini-serve.

Elisse binigyan ng limang partner!

Wow, may good news para sa followers ng Boyband PH members na sina Ford Valencia, Joao Constancia, Niel Murillo, Rusell Reyes at Tristan Ramirez.

Well, lahat sila ay gaganap na leading man kay Elisse Joson sa upcoming Wansapanataym series episode na Fisherally Yours kung saan sirena naman ang role ni Elisse.

First attempt sa acting ito ng limang member ng Boyband Ph. They all promise to do their best, para, kumbaga, makapag-deliver. After all, they all admit, na pwede nilang subukan na maging aktor.

Speaking of Elisse, first lead role niya itong ­Fi­sherally Yours. “I promise, therefore, to do my best,” aniya.

A product of the reality show, Pinoy Big Bro­ther (PBB), na-link siya sa fellow housemate niyang si McCoy de Leon.

Ngayon ay kino-consider na ang McLisse na isa sa most-loved love team.

The only child of a medical doctor, it was her mom who encouraged her to venture into showbiz, nang maging “mabili” siya for endorsements.

Pangarap pa rin, of course, ni Elisse ang makatapos ng isang college degree dahil naipangako din daw niya ito sa kanyang mommy.

Gelli at Inah magpapagalingan sa pag-arte

Matutupad na ang pangarap ng mag-auntie na sina Gelli at Inah de Belen na makagawa ng isang series together sa upcoming Kapuso series na Ika-5 Utos.

Dating Kapamilya si Gelli. Katatapos naman gawin ng kanyang mister na si Ariel Rivera ang Hanggang Saan ng ABS-CBN. Nakasama niya sa serye sina Sylvia Sanchez, her son, Arjo Atayde at Teresa Loyzaga, among others.

Si Janice de Belen, mommy ni Inah at nakatatandang kapatid ni Gelli, ay balita namang pumirmang muli sa Kapamilya.

Malalaki na ang anak nina Ariel at Gelli na sina Joaquin (19) at Julie (17).

Hindi dito sa Pilipinas nag-aaral ang magkapatid, kung hindi sa Canada, kung saan nakatira ang relatives ni Ariel.

Parehong tall and handsome ang magkapatid kaya, proud daw sa kanila sina Gelli at Ariel.

Atom suko na sa acting

Ang Citizen Jake ang unang pelikula ni Atom Araullo. Ito rin bale ang directorial comeback ng film director na si Mike de Leon after 18 years at malapit na itong mapanood in theaters nationwide.

Umani ng magandang reviews ang pelikula nang ipalabas ito sa UP Film Center noong March.

Maganda ang comment sa performance ni ­Atom. Which obviously is the reason why this early, ­Atom is making it known that he has no intention of ­making acting a career.

Marami ring na-realize ang journalist nang lumipat siya sa GMA 7, na ang pagiging isang journa­list daw talaga ang kanyang passion at gusto rin daw niyang gumawa ng mas maraming documentaries.

Personal…

Happy birthday to Virgie Ramos, whose family owned the prominent bookstore all over the country, National Bookstore.

Virgie is known, too, as the timepiece Swatch Philippines big boss.

Swiss made ang Swatch watches, na ang sole distributor dito sa Pilipinas ay si Virgie.

vuukle comment

KAYE ABAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with