^

Pang Movies

Ellen bundat pa, nilantad ang tiyan sa Amanpulo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ellen bundat pa, nilantad ang tiyan sa Amanpulo
Ellen

Ang laki pa raw ng tiyan ni Ellen Adarna at obvious na hindi pa nanganganak ng sinasabing panganay nila ni John Lloyd Cruz.

Maraming nakakakita sa kanila ni Lloydie sa Amanpulo na palakad-lakad at walang pakialam sa nasa paligid kung saan sila kasalukuyang nagbabakasyon.

Maging sa kanilang fan page ay makikitang dambuhala pa ang dating sexy actress.

Ang nakakagulat lang, pag nag-a-upload siya sa kanyang IG parang ang liit ng mukha ni Ellen pero sa ibang photos na kumalat kahapon, ang lapad ng katawan niya at ang tambok ng pisngi.

Patuloy na pinag-iinteresan ang pagbubuntis ni Ellen dahil sa pamisteryo nilang effect sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Heart tuloy ang mga travel

Twin Vanishing Syndrome ang tumama kay Heart Evangelista kaya nawala ang isa sa kambal na pinagbubuntis niya.

At bakit nangyayari ang vanishing twin syndrome?

Ayon sa huggies.com.au: “The word “vanishing” is rather a magical term for what is essentially, a rather sad occurrence. Because the twin and pregnancy sac is reabsorbed by the mother, the word “vanishing” is used to describe this. If the miscarriage happens very early on in the pregnancy, there are no outward signs.

“The truth is that we are not 100% sure why it happens but many explanations have been put forward.

“These include:

“Major genetic or chromosomal abnormalities which mean that the embryo is simply not viable.

“Improper cord implantation.”

Ayos na raw sina Heart at Sen. Chiz Escudero at tanggap na nila ang nangyari sa anak na pakiramdam nila ay magsisilbing guardian angel ng isa pang nilang baby na nasa sinapupunan ng actress.

Magaan daw ang pagbubuntis ni Heart kaya normal pa ang schedule nito at hindi binawalang mag-travel.

Kim naadik sa snow, pati tubig tinungga!

Kaaliw panoorin ng video ni Kim Chiu habang nagbabakasyon kung saan sila namasyal sa puro snow.

Kasalukuyang naglalamyerda si Kim sa Canada kasama ang mga kapatid pati pamangkin.

At nang mamasyal nga sila sa Columbia Icefield, sinubukan nilang uminom ng tubig as in puwede pala ‘yun.

Minsan na rin silang nag-snow adventure ni Xian Lim.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with