^

Pang Movies

Paolo namana ang sakit ng kanilang pamilya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Paolo namana ang sakit ng kanilang pamilya!
Paolo Ballesteros

Late man dumating si Paolo Ballesteros sa thanksgiving party ng Regal Films sa success ng kanilang My 2 Mommies, nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga taong hanggang sa ngayon ay pinapanood pa rin ang kanilang movie. Sinagot din niya ang tanong tungkol sa nai-post niyang ultrasound ng kanyang slipped disk.

“Hindi ko na talaga matiis ang sakit ng likod ko kaya nagpa-check-up na ako,” sabi ni Paolo. “Sakit ng family ko ang spine, ang father ko, ang tita ko, iyong brother kong nasa Amerika, at ang sister ko, katatapos lamang maoperahan a few days ago. Naramdaman ko ang kakaibang sakit nang magbuhat ako ng carpet sa bahay, akala ko mawawala pero two months na wala pang ipinagbabago, yon saka lamang na-check na may slipped disk pala ako. May tatanggalin lamang maliit na part sa spine at magiging okey na raw ako,” pagkukuwento niya.

Inamin ni Paolo ang tanong tungkol sa kanyang lovelife, pero ayaw niyang magsalita, mas gusto raw niya na tahimik na lamang ang lovelife niya, saka mas focus siya sa work niya, sa Eat Bulaga at sa isa pang movie na gagawin niya na baka si Eric Quizon din ang magdirek na hindi pa raw niya alam ang full details.

Jun binubuwis ang buhay alang-alang sa balita

Sa Sunday ay babalik sina Jun Veneracion at Raffy Tima kasama ang kanilang news team, sa Marawi City para i-cover naman ang rehabilitation efforts na nagaganap doon ngayon at para mabisita rin nila at makausap ang mga taong naapektuhan ng giyera roon noong May 23, 2017.

Si Jun ay pumasok sa GMA News & Public Affairs noong 2003 at simula noon ay na-assign na siya to cover Defense and Military beat na madalas ay doon siya naipadadala sa mga war-torn places here and abroad.

Hindi raw niya malilimutan ang month-long coverage niya sa Afghanistan tungkol sa abduction ng Filipino UN worker. Sumunod dito ang search and rescue operation nila sa Basilan City na napagitna ang kanilang news team sa mga Marines at mga rebel. Doon wala raw silang nagawa kundi magdasal at i-offer na lamang ang buhay sa Diyos. Pero laking pasalamat nila dahil nakaligtas naman silang lahat. Ang coverage nila dito ay nagpanalo sa Reporter’s Notebook ng 2008 New York Festivals Bronze Medal for Coverage of an On-going Story. At sumunod nga ay sa Marawi City na hindi na niya malilimutan ang maraming hirap na dinanas doon ng mga tao at ng mga military.

Ten years later, ngayong 2018, si Jun V ay officially nang co-host ng Reporter’s Notebook alongside with the veteran reporter and multi-awarded host Ms. Maki Pulido.

Ang Reporter’s Notebook ay napapanood tuwing Thursday, 11:35 PM after ng Saksi.

Super Sireyna Worldwide grand finals na

Bukas na magaganap ang grand finals ng Super Sireyna Worldwide sa Broadway Studio ng Eat Bulaga 11:30 AM -2:30 PM. Eight finalists mula sa iba’t ibang bansa, Angola, Australia, Brazil, Mexico, Philippines, Spain, USA at Venezuela ang maglalaban-laban sa title.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with