^

Pang Movies

Famous wife ng celebrity na may posisyon sa gobyerno, hindi nagdadala ng cash puro credit cards

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Kaya hindi maharbatan

Generous ang famous wife ng isang kilalang celebrity na hindi lang sa showbiz involved dahil may posisyon din siya sa sports at politics, pero walang balak ang isang kilalang harbatera sa showbiz na harbatan ang taong ‘yon, huh!

Ang dahilan – hindi raw mahilig magdala ng cash sa kanyang bag ang famous wife.

Puro credit cards lang daw ang laman ng bag ni famous wife.

Nakita kasi ng kilalang harbatera ng showbiz nang buksan ni famous wife ang bag nito at bukod daw sa credit cards at make-up, walang ibang laman ang bag nito.

Pero in fairness kay famous wife, grabe siya kung mag-shopping at kung type ka niya, ipangsa-shopping ka rin niya.

Ang mga taong nakapaligid nga kay famous wife ay grabe ang pakinabang sa kanya!

Ang biro ko kay kilalang harbatera ng showbiz, dapat ay magdala siya ng credit card terminal para kapag nangharbat siya kay famous wife, puwede niyang mai-swipe ang isa sa credit cards nito, huh!

Hahaha!!!

Leila ayaw magpaligaw!

Aalis pa-New York City para sa isang pictorial si Leila Alcasid ngayong June at busy naman ang tatay niyang si Ogie Alcasid dahil nag-start na ang singer/songwriter ng shooting ng Cinemalaya movie na Kuya Wes, kaya hindi makakasama ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid sa out of the country pictorial ng panganay na anak.

Pero wala namang dapat ipag-worry si Ogie na baka may special someone si Leila na susunod ng NYC.

Sabi ni Ogie, wala pang boyfriend si Leila. Ni wala nga raw nanliligaw sa kanyang anak.

“Puro friends lang ‘yung mga nakakasama ni Leila,” sabi ni Ogie.

At ni wala pa nga raw boys na dumadalaw kay Leila sa bahay nila.

Sa bait naman ni Ogie, sigurado naman hindi natatakot ang boys na manligaw kay Leila, baka nga lang talagang gusto ng dalaga na mag-concentrate muna sa kanyang showbiz career kaya no time muna ito sa boys, huh!

Katawan ni Jeron pinaglalawayan!

Naaliw ang followers ni Jeron Teng sa kanyang Instagram account (@jeronalvinteng) sa topless picture na pinost niya habang nakahiga siya sa gilid ng swimming pool.

Caption kasi ni Jeron sa picture na ‘yon, “Victoria’s Secret Summer Collection 2018” at sinamahan niya ng smiley icon.

Of course, biro nga ‘yon ni Jeron at marami ang natawa katulad ng beauty queen turned actress na si MJ Lastimosa.

May ibang mga kakilala naman ako na nagsabing may sense of humor din pala ang famous Alaska team basketball player.

Ang ibang mga kakilala ko naman ay nagsabing very yummy si Jeron at sa ganda raw ng katawan ng binata, bagay sa kanya na nagpo-post ng topless, huh!

Wala namang problema sa girlfriend ni Jeron, si Jeanine Tsoi ang pagpo-post ng binata ng topless picture dahil na-appreciate ng iba ang kakisigan ng kanyang boyfriend, ‘noh?!

May iba ngang nagre-request na sana ay magkaroon si Jeron ng sexy pictorial sa ibang glossy magazines!

vuukle comment

LEILA ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with