^

Pang Movies

Luis hindi kinayang makipag-sayawan kay Ate Vi!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Luis hindi kinayang makipag-sayawan kay Ate Vi!
Vilma at Lucky

Marami ang aliw na aliw sa pag-viral sa social media ng music video na Kembot ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano para sa ini-endorse nila na Puregold.

Umabot nga sa 4 million views in 4 days ang nakuha ng naturang music video ng mother-son tandem na #ViLucky at marami ang natutuwa sa music video/commercial nilang ito.

Mahusay pa rin na dancer si Ate Vi at kasama rin sa music video ang kanyang choreographer sa show noon na Vilma! na si Maribeth Bichara.

Naging big opening number nga ang la Vilma! ang ginawang TV commercial ng mag-ina.

Nakakatawa lang tingnan si Luis dahil sa awkward dance moves niya. Aminado naman ang actor-TV host na hindi ito marunong sumayaw kaya dinaan na lang niya sa nakakatawang kilos ang pagsayaw niya.

Patunay lang na gagawin ni Luis ang lahat, kahit na ang sumayaw, para lang sa kanyang ina.

Sa ending ng music video, nasambit pa rin ni Ate Vi ang immortal line niya tuwing ending ng programa niya nung Vilma! na “I love you Lucky!”

Julie Anne may gustong gawin sa lion king

Ikinakatuwa ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose ang pagkakaroon niya ng pagkakataong makasama sa pag-awit ang cast ng award-winning musical na The Lion King.

Bumalik nga kay Julie ang matagal na niyang pangarap noon na makapag-perform sa teatro.

Napanood ni Julie ang Disney animation na The Lion King noong bata pa siya ay ngayon ay ibang experience daw ang mapanood ito ng live sa teatro.

“I’ve seen the musical mismo and I was in awe. I was in awe, I was moved to tears. Sobrang galing ng production.

“When they called me na sabi nila gusto nilang gumawa ng cover with me, wow.

“’Di ko alam kung paano nangyari ‘yun but I’m just really grateful, truly honored and really, really thankful that I was chosen to sing one of the songs of The Lion King, with the cast pa.

“It’s one of my favorite childhood movies, The Lion King. Sobrang nakakataba ng puso and I’m happy that the people appreciated it,” ngiti pa ni Julie.

Kung bibigyan daw siya ng chance na makapag-perform mismo sa entablado with the cast of The Lion King, hindi raw magdadalawang-isip si Julie.

“’Yung theater it’s a different field talaga na hindi ko pa na-e-explore though I perform sa SPS (Sunday PinaSaya) na live din siya, pero it’s different kasi pati ‘yung training, ‘yung discipline ng theater. Hopefully sana ma-try ko siya in the future, if time permits,” pagtapos pa ni Julie Anne San Jose.

 

 

vuukle comment

LUIS MANZANO

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with