^

Pang Movies

Young actor laging may bitbit na alak at sigarilyo, dinaig ang dalawang aktor na mahilig manghingi

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinaiinisan ng ilang staff ng produksyon ang isang medyo kilalang aktor na naninigarilyo pero kapag gustong manigarilyo ay madalas na manghingi, huh! Pati nga pansinding lighter ay wala rin siya!

May isa namang aktor, kapag naimbitahan sa isang party, agad naghahanap ng beer, huh! Kahit hindi naman talaga pang-inuman ang party na pinuntahan!

Daig sila ng isang young actor na kapag may lakad, showbiz man o hindi, kumpleto siya ng dalang pangbisyo – sigarilyo at alak, huh! At least hindi siya parang parasite na umaasa sa nahihingian ng sigarilyo o umaasa sa showbiz events para makainom!

Eric hindi na naaartehan kay Solenn

Overwhelmed si Solenn Heussaff sa natanggap niyang papuri sa nakakabilib na performance niya bilang ina sa My 2 Mommies ng Regal kahit hindi pa siya talaga isang ina, huh!

Hindi lang naman ang nakapanood ng movie ang bilib sa pagkatao ni Sos. Si direk Eric Quizon, nawala ang im­­p­resyon niyang diva ang dating ng Kapuso actress nang gawin niya ang M2M.

Si Mother Lily Monteverde nga, saludo na rin sa ugali ni Solenn kapag dumarating sa shooting. Wala itong alalay, siya ang nagdadala ng damit na gagamitin at walang demands na kailangan niya ng sariling make-up artist!

Dahil sa tagumpay sa boxoffice ng M2M, ikinakasa na ang next movie sa Regal ni Solenn. Ang kapareha naman niyang si Paolo Ballesteros ay may follow up movie rin agad.

Congratulations sa Team M2M dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong kumikita sa takilya.

 

vuukle comment

MANGHINGI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with