^

Pang Movies

Bayani, tinatawanan pa rin ang mga joke kahit corny

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Bayani, tinatawanan pa rin ang mga joke kahit corny
Bayani

Nakausap namin minsan si Bayani Agbayani, Salve A. Prangkahan naming sinabi sa kanya na nakokornihan kami sa mga joke niya na madalas niyang ibinabato sa game show na I Can See Your Voice na ipinapalabas tuwing Sunday at Saturday hosted by Luis Manzano.

Isa sa mga Singvestigators si Bayani, kasama niya rin dito sina Angeline Quinto, Kean Cipriano, Wacky Kiray, Alex Gonzaga at Andrew E.

Dugtong na komento pa namin kay Bayani, the fact na natatawa kami sa mga corny joke niya, mas natatawa naman sa kanya ang mga viewers, patunay lang na magaling talaga siyang magdeliver.

Sabi nga nila, comedy is laughter, at kung akala ng lahat ay isa siyang seryosong tao sa tunay na buhay tulad ng ibang komedyante, ganon pa rin siya sa TV at big screen, nakakatawa na simula pa umpisa.

Keep up the good work, Yani.

John bisi-bisihan na sa pagdi-direk

Congrats din pala at good luck para kay John Prats, dahil siya ang napiling pagkatiwalaan ng singer na si Richard Poon na magdirek ng kanyang 10th anniversary concert, titled RF10: Richard Poon na magaganap on May 18, Friday, sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Kapansin-pansin ang madalas nang pagkuha kay John ng ilang singer-celebrities para idirek ang concerts nila, and obviously naging successful ang first attempt niya noong ginawa niya ang first concert ng popular singer na si Moira dela Torre na ginanap sa Kia Theater.

Si John rin ang pinili ni K Brosas na mamahala ng kanyang katatapos na anniversary concert, 18k for 2018 na ginanap din sa Kia Theater.

Sa concert naman ni Richard, sasamahan siya sa stage ng 21 piece orchestra at ang kanyang mga guest performers ay sina Richard Yap, Christian Bautista, Erik Santos, Kean Cipriano, Nyoy Violante at Sitti.

Five years na silang kasal ng aktres na si Maricar Reyes na isang doctor of medicine graduate.

Mayroon silang librong isinulat, titled 10 Things We Fight About.

Hanggang ngayon ay wala pa ring anak ang mag-asawa.

Si John naman, at ang asawang si Isabel Oli ay mayroong two year-old daughter na nagngangalang Feather.

Bobby kina-career ang pagbabalik

Mukhang dinibdib ni Bobby Andrews ang kanyang pagbabalik showbiz.

Heto at bukod sa napapanood siya gabi gabi sa top series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, kasama rin siya sa cast ng pelikulang Kasal, ang 25th anniversary offering ng Star Cinema na mapapanood na ngayong araw in theaters nationwide.

Si Ruel Bayani ang nag-direk ng nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsey at Paolo Avelino.

Bukod pakay Bobby, kasama rin sa cast sina Christopher de Leon, Cheri Gil, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Legaspi, Cris Villongco, Vin Abrenica, Cai Cortez and Kylie Versosa.

Kasal si Bobby for 18 years now kay Bienne Co isang media relation officer at may anak silang two teenage kids, sina Arty at Gabbie.

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with