^

Pang Movies

Gabby mas inuna pa ang pangingisda kesa harapin si Sharon!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gabby mas inuna pa ang pangingisda kesa harapin si Sharon!
Gabby

Mahilig sa dagat at pangingisda si Gabby Concepcion, kaya naman napapadalas ang punta niya sa kanyang Lobo, Batangas beach house.

Madalas ding yayain doon ni Gabby ang ilan niyang mga kaibigan para mag-relax.

Kuwento sa akin ng handler ni Gabby na si Therese Ramos, nasa Lobo na naman last weekend ang aktor.

Wala pa nga palang reaction ang aktor tungkol sa tsikang tuluyan nang nag-give-up ang ex-wife niyang si Sharon Cuneta sa reunion movie sana nila under Star Cinema.

Hindi na raw gagawin ni Sharon ‘yon, pero ang alam ko, hindi na rin talaga ‘yun gustong gawin ni Gabby.

Sabi ni Therese, bukas ang dating ni Gabby mula sa Lobo, kaya ang tanong ngayon ng marami ay mag-announce na rin kaya si Gabby na tuluyan na siyang nawalan ng gana sa reunion movie sana ng nanay ng anak niyang si KC Concepcion?

Well…

Morisette gagawan daw ng US producer

Ang US concert tour naman ni Morissette Amon sa last quarter ng taon na ito ang pinaghahandaan ni Anna Puno at ng mga contact niya sa Amerika.

Marami na ang nag-aabang sa Amerika kay Morissette.

Ngayon pa lang, may mga nagsasabing tiyak na magiging successful ang US concert tour ni Morissette.

Kilala si Anna (pati ang kaibigan niyang si Vic Perez) sa galing mag-promote ng shows sa Amerika, kaya in good hands si Morissette!

May tsika ring ipagpo-produce si Morissette ng album sa Amerika ng isang sikat na record producer doon.

Yasmien niregaluhan ng kotse ang asawa

Ang bongga ni Yasmien Kurdi dahil kotse ang regalo niya sa kanyang mister na si Rey Soldevilla, Jr. na kabi-birthday lang.

Can afford naman si Yasmien dahil marami siyang naging shows sa GMA 7 at ngayon nga ay top rating afternoon drama series ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka nila ni Mike Tan.

Actually, suwerte sa isa’t isa sina Yasmien at Rey dahil kung artista ang Starstruck alumna, isa namang pilot ang kanyang mister, huh!

 

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with