^

Pang Movies

New career? Ididirek na pelikula ni Xian pasok sa Cinemalaya!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
New career? Ididirek na pelikula ni Xian pasok sa Cinemalaya!
Xian Lim

Magdidirek na nga ba si Xian Lim ng pelikula? Ipinost kasi ng aktor ang official letter sa kanya ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na nagsasabing na-approve ang entry niya intended for 2019 filmfest.

Dated May 11, 2018 ang letter and it stated, “Congratulations! On behalf of the Organizing Committee of the Cinemalaya Philippine Independent Festival, I wish to inform you that your entry was selected as a finalist to the Main Competition 2019.”

Sa caption ay ipinahayag ni Xian na noon pa pala niya gustong makagawa ng pelikula.

“Naalala ko pa noong 2009 nung ginagawa palang namin ni direk Gil Portes ang pelikulang Two Funerals. Ang tanong ko sa kanya, Direk Gil balang araw gusto ko rin po maka gawa ng pelikula tulad nyo. Pwede po ba ako makahingi ng payo sa inyo?

“Ang sagot nya ABA p******a ang taas agad ng pangarap mo! Walang katapusang pag aaral!...then he pulled me to the side and said, kung ano man yang pangarap mo, ituloy mo. Paghirapan mo.

“Thank you Cinemalaya for giving us this opportunity!” ang caption ni Xian.

Proud na proud naman ang mga fans ni Xian sa kanya at sunod-sunod ang pagbati sa kanya ng “congratulations” sa comment section.

Kim finisher sa Fun Run sa US

Ang ganda rin ng nilalaman ng IG post ni Kim Chiu na naka-achieve na naman ng 5km run sa First Filipino Food Fun Run sa San Francisco, California.

Yes, dumayo pa ng US si Kim para sa TIKIM Fun Run kasama sina Jake Cuenca, Inigo Pascual and Gretchen Fullido.

Sa video sa kanyang IG Story ay proud na proud na ipinakita ni Kim ang kanyang medal bilang finisher.

“Finished the first #TIKIMRUN here in SF!!! that was super fun!!! congrats to all the runners and to TFC congratulations,” ang caption ni Kim sa larawan nila nina Jake, Inigo and Gretchen.

Ang Tikim Fun Run ay ginanap last May 13 at Coyote Point Recreation Area sa Coyote Point Drive, San Mateo, Californa.

Cristine naka-unfollow kay Ali!

Ang daming nagtatanong na netizens ngayon kung bakit lima na lang ang pina-follow ngayon ni Cristine Reyes sa Instagram at sa limang ‘yun hindi na kasama ang asawa niyang si Ali Kathibi.

Sa lima ay kabilang ang ate niyang si Ara Mina at mga kaibigan.

Noong Enero pa umugong ang bali-balitang on the rocks ang marriage nina Cristine at Ali dahil na rin sa prayer post ng aktres sa IG.    

That time ay ipinagdadasal ni Cristine sa Diyos na bantayan ang relasyon nilang mag-asawa at proteksyonan sila laban sa mga tukso upang hindi masira ang kanilang pagsasama.

Sa pagdaraan ng mga araw ay lalo pang lumakas ang spekulasyon na nagkakalabuan sila dahil sa mga posts ni Cristine ay hindi na nakikita na kasama niya si Ali.

And last month, lumabas ang balitang hiwalay na nga ang mag-asawa although up to now ay nananatiling tikom ang bibig nila tungkol dito.

Na-interview rin recently si Ara Mina at nahingan ng pahayag tungkol sa issue pero aniya, normal lang naman daw sa mag-asawa ang magkaroon ng problema. Hindi niya itinanggi at hindi rin niya kinumpirma ang mga naglalabasang tsismis sa hiwalayan nina Ali at Cristine.

Marami naman ang pumupuri sa mag-asawa sa ginagawang pananahimik sa issue unlike some couples na inilalantad pa sa publiko ang mga kasiraan ng isa’t isa.

Isang netizen ang nagtanong kung paano na raw ngayon ang mga hashtags ni Cristine na #thekatibis and #khatibiworld.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with