^

Pang Movies

Vice isinabay sa concert ang bonding sa ina

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Vice isinabay sa concert ang bonding sa ina
Vice Ganda

Ngayong araw na ito ang third and last show ni Vice Ganda sa kanyang Pusuan Mo Si Vice Ganda US concert tour (may dalawa rin siya sa Canada), pero hindi magmamadaling umuwi ng Pilipinas ang gay TV host/comedian.

Sold-out na rin daw ang tickets sa Pechanga Casino show ni Vice mamayang gabi.

Magpapahinga pa raw ng ilang araw sa US si Vice at ie-enjoy ang pagbabakasyon.

Bale magba-bonding din daw si Vice sa nanay niyang si Mommy Rose (na US citizen na raw) at Wednesday ang alis niya sa Los Angeles, California at Friday morning ang dating sa bansa.

Dederetso raw kaagad sa It’s Showtime si Vice dahil miss na siya ng viewers ng nasabing noontime show ng ABS-CBN.

Ayaw mawala ang magic, Luis tahimik muna kay Jessy

Ang pahayag ni Jessy Mendiola na alam ng boyfriend niyang si Luis Manzano na ito na talaga ang kanyang ‘the one’.

Kahit hindi nga raw sila magpakasal kaagad ni Luis, sigurado na raw talaga si Jessy na ang TV host/actor na talaga ang gusto niyang makatuluyan.

Si Luis naman, hindi gusto masyadong nagdedetalye tungkol sa relasyon nila ni Jessy dahil parang nawawala raw ‘yung magic.

Pero nauunawaan naman daw ni Luis kung bakit may mga nangungulit talaga at inuusisa sila palagi kung kailan ba sila magpapakasal ni Jessy.

Tickets sa concert nina Ian at LA, sold-out na

Ang concert mamayang gabi ni Ian Veneracion sa Resorts World Manila.

Kasama sa concert na ‘yon ang singer na si LA Santos na noong bata pa ay kinakitaan ng first stage of autism, pero gumaling naman at ngayon ay itinuturing na isa sa most promising singers sa bansa.

As of yesterday, almost soldout na ang tickets para sa concert na ‘yon!

Martin ginulat si Zsa Zsa kahit may jet lag

Isa si Martin Nievera sa mga malalapit na kaibigan ni Zsa Zsa Padilla, kaya naman kahit pagod at may jet lag pa ang Concert King, nagpunta siya sa Resorts World Manila para i-surprise ang kaibigan sa showbiz anniversary concert nito.

Dapat ay Saturday pa talaga ang balik ni Martin, pero dahil gusto niyang i-surprise si Zsa Zsa, Friday morning ay dumating na siya ng bansa.

In fairness, na-surprise raw talaga si Zsa Zsa sa pagdating ni Martin sa kanyang concert.

Bale 35 years na nga pala sa showbiz si Zsa Zsa at kahit may mga nang-iintrigang hindi na hot ang singer/actress pagdating sa pagko-concert, soldout ang tickets para sa anniversary concert niya noong Friday!

Going back to Martin, hindi alam ng mga tao sa concert ni Zsa Zsa na masama ang pakiramdam ng Concert King.

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with