^

Pang Movies

JM ayaw paawat, bibida na naman sa isang project

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
JM ayaw paawat, bibida na naman sa isang project
JM

Marami ang natuwa sa pagbabalik limelight via TV show ng young actor na si JM de Guzman.

Knows naman ang dahilan ng pagkawala niya, nagpahinga lang! At nang magbalik siya, aba, mas naging makisig, medyo nag-gain ng weight, bright skin (makinis, flawless). Si JM ang leading man ng comebacking series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi at leading lady niya si Barbie Imperial.

All out ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil sa kanya ibinigay ang isang mabigat at magandang role sa Araw Gabi at halos kaka-start pa lamang ng show ay mayroon ng isa pang project na magbibida siya. Whatever, E di wow!

Mga kandidato aligaga sa kampanya

‘Di magkamayaw ang mga gustong maging punong barangay sa lahat ng bayan sa Pilipinas at kasabay pa rin ang mga kabataang gustong makatulong sa mga magiging mga opisyales.

Ito ang Sangguniang Kabataan (SK), ang mga kabataang sa murang edad ay tini-train na para pagdating ng matured age ay sila naman ang hahalili sa mga opisyales ng Barangay. Tulad na lang ng Jose Peping Cartano team, abala na ang grupo sa pag-iikot dito sa aming lugar. Si Ka Peping ay nasa ika-3rd term na at naging Eat Bulaga Best Barangay some years back. 

Mga running kagawad sina Noli “Pogi” Cartano, Raymond Fortunato, Domenic Arceo, Jelo Alpasan, Rafael Laurel, Amy Catindig, at Muyong Mane.

Sa SK naman na 18 yrs old ang pinaka-eldest ay sina Meng Bundalian, Teeny Gagarin, Joy Ano-os, Gab Badiola, Kurt Vidal, and Thea Getape.

Goodluck po sa lahat ng mga kandidato! Naway, maging maayos ang halalan at walang anumang gulo na maganap. God bless po sa grupo ni Kap. Peping Cartano. Mabuhay po kayo!

Saludo rin ako sa isang napaka-champion na neighbor namin, ibig kong sabihin, isang katok sa bahay niya para sa tulong, no question to be ask, nandiyan agad ang tulong. Siya ‘yung taong maasahan sa gitna ng pangangailangan at bukas ang palad at puro sa pagtulong ang tanging hangad.

Isa rin siya sa may big K (karapatan) na maging Kapitan de Barangay, siya si Peterpan Malahacan.

Sa totoo lang, ma’am editor, na inspired akong sulatin sila dahil sa babasahing Pang-Masa (PM) ang dyaryong palaban, maasahan, na pang umagang babasahin nila sa kanilang almusal.

Personal…

Condolences sa mga naulilang kaanak, kaibigan, ka trabaho, at sa lahat ng mga nagmamahal kay Yayay Alex ng Golden City, Sta Rosa, Laguna. Inihatid na sa huling hantungan ang kanyang labi sa kanyang bayan sa Aurora, Quezon. Rest in peace my friend!

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with