^

Pang Movies

Suot ang couple bracelet Sarah at Matteo lutang ang saya sa birthday ni Juday!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Suot ang couple bracelet Sarah at Matteo lutang ang saya sa birthday ni Juday!
Matteo & Sarah

It’s nice to see Popstar Royalty Sarah Geronimo sa celebration ng 40th birthday ni Judy Ann Santos sa Mecha Una restaurant. Bale salubong iyon ng May 10, sa birthday ni Juday ng May 11. Masayang-masaya si Sarah at iba pang guests na after dinner tumuloy pa sila sa Bank Bar sa BGC (Bonifacio Global City) at doon itinuloy ang celebration. 

Nag-duet sina Juday at Sarah ng Luha ng Aegis at bigay-todo ang birit ni Sarah at nagkatawanan nang mag-join sa singing nila si Angelica Panganiban dahil hindi nito maabot ang tune.

Kasama ni Sarah ang boyfriend na si Matteo Guidicelli na kasama ni Ryan Agoncillo sa motorcycle group nila kaya close rin sila kina Juday.

Ayon kay Sarah, starstruck daw siya kay Juday nang una pa lamang niyang nakita ito sa That’s Entertainment noong bata pa lamang siya. Since then hinangaan na niya si Juday at naging close sila nang lagi nga silang magkasama sa mga motorcycle event nina Ryan at Matteo. May mga nag-comment sa post sa Instagram ni Noel Ferrer, manager ni Ryan, na iba raw talaga ang saya ni Sarah kapag kasama nito si Matteo at pinansin pa nila ang couple bracelet na suot nina Sarah at Matteo.

Maraming guests si Juday at ilan pa sa mga nakita namin sa IG story niya sina Ogie Alcasid, Direk Joyce Bernal, Juan Sarte, Mommy Carol Santos at Alden Richards.

EB dabarkads, paiiyakin si Alden

Mga Dabarkads naman ang kasamang nagko-concert ng Broadway Boys every Saturday sa Eat Bulaga. Sinimulan ito ni Tito Sen (Sen. Tito Sotto), sumunod si Allan K na medyo naging emotional habang kumakanta.

Today, si Alden Richards naman ang makaka-duet ng Broadway Boys kaya last Thursday, nagbiro na si Joey de Leon na “paiiyakin na naman ninyo si Alden.”

Pero bukas, May 13, ay Mother’s Day at alam naman, lalo na ng mga fans kung gaano kamahal ni Alden ang namayapa niyang ina si Mommy Rio (Rosario Reyes-Faulkerson) na madalas ay pinag-aalayan niya ng pasasalamat tuwing may malaking pangyayari sa buhay niya.

Anyways, Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina!

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with