^

Pang Movies

Dra. Belo naka-jackpot kay Mayweather!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dra. Belo naka-jackpot kay Mayweather!
Mayweather at Vicki

Isa si Dra. Vicki Belo sa naka-jackpot magkaroon ng picture kasama ang boxing champion na si Floyd Mayweather, Jr. 

Ipinagmalaki ng doktora ang pagkakataong makasama sa litrato si Mayweather sa kanyang Instagram lalo na’t siya lang ang nagkaroon ng pagkakataon na magka-selfie ang boksingero.

“1. When I got to GB 4, Floyd Mayweather was already inside the black SUV with a 3 car convoy to leave. People outside Louis Vuitton said he refused to have pictures with anyone. 2. I stood in front of a black tintd window and signed language if I could take a picture. 3. To my surprise, he rolled down the window and I took a picture of him. He then said, come here and take a picture with me. Hence, the second pcture.

“So nice of him right? I feel lie I’ve won the lotto because of all the people there I was the only one who git a picture. (PS you’re still number 1 with me Sen. @mannypacquiao), ” caption ni Dr. Belo sa oportunidad na narasan.

Sarah kalmado, parang hindi na nag-breakdown ang hitsura

Kalmado na si Sarah Geronimo after ng pag-iyak sa Las Vegas This I5 Me concert last week.

Naki-party na siya sa sorpresang 40th birthday celebration ng Ate Judy Ann Santos. Doble ang kasiyahan niya dahil magkasama sla ng boyfriend na si Matteo Guidicelli, huh!

Dumarating naman sa isang sikat na artistang tulad ni SG ang panahong napapagod sa trabaho. Gusto nilang kumawala minsan sa limelight upang bigyan ng laya ang sarili sa mga gustong gawin na malayo sa paningin ng publiko, huh!

Kita naman sa mga naglabasang litrato ni Sarah ang kasiyahan nu’ng mga oras na nasa birthday siya ni Juday. Pero bata pa siya para tapusin ang pagiging Pop Star Royalty dahil marami pa siyang puwedeng magawa, huh!

Gladys blogger na rin

Nagawa pa rin talagang mag-blog ni Gladys Reyes kahit na nga nakaranas siya ng hirap habang papunta sa taping ng Inday Will Always Love You ng GMA News & Public Affairs, huh!

“At least para documented kung anuman ang mangyayari! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Gladys sa press launch ng series.

Sa Bantayan Island sa Cebu ang taping ng series na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Bukod sa pagsakay ng plane papuntang Cebu, kinailangan pang bumiyahe patungo sa sakayan ng roro papunta sa isla.

“First time kong sumakay sa roro kaya nerbyos ako although safe naman ‘yon. Matagal-tagal din ang biyahe pero maayos naman kaming nakarating sa island,” saad pa ng aktres.

Sa Mayo 21 ang telecast ng IALY at si Gladys ang isa sa magpapahirap kay Barbie.

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with