^

Pang Movies

Winwyn ayaw nang mahiwalay kay Mark

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Winwyn ayaw nang mahiwalay kay Mark
Winwyn Marquez,

Naku, Salve (our dear editor), sayang at wala ka sa joined birthday lunch namin ni Manay Lolit Solis kahapon sa 81 SeiHai Japanese Fushion restaurant sa Timog Avenue, Quezon City at marami pa naman ang naghahanap sa ‘yo dahil ikaw nga ang pala­ging nine-namedrop ni Manay Lolit sa kanyang Instagram account (@akosilolitsolis).

Nakaka-insecure nga na kami ang may birthday, pero ikaw ang hinahanap ng mga bisita, huh!

Anyway, nagpunta roon ang Vice President for Corporate Communications ng GMA 7 na si Ms. Angel Javier-Cruz at naitsikang kapipirma lang uli ng exclusive contract sa Kapuso network ni Winwyn Marquez, so, mali ang tsikang gustong lumipat ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa ABS-CBN, ‘noh?!

Saka paanong lilipat sa Kapamilya network si Winwyn, eh, kasama niya sa Siyete ang boyfriend na si Mark Herras!

Richard nagpatali sa kapamilya, bagong serye ‘di si Angel ang kasama

Galing naman sa ABS-CBN ang mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez.

Pumirma ng two years contract sa Dos si Richard at excited siya sa more opportunities pa na puwedeng dumating sa kanya ngayong exclusive na talaga siya sa Kapamilya network.

Nagustuhan ni Richard ang pagtatrabaho niya sa series na La Luna Sangre, kaya naman bukod sa network contract, nakipag-co-manage na rin siya sa Star Magic.

Sabi ni Richard, excited din siya na lumibot sa buong mundo para sa ilang TFC (The Filipino Channel) shows na magsisimula ngayong June 9 sa Winnepeg at June 10 sa Vancouver na parehong nasa Canada.

At sa mga nagtatanong kung ano ang next series na gagawin ni Richard sa Dos, inaayos na rin ang tungkol doon, pero mali ang hula ng iba na sila ni Angel Locsin ang magsasama dahil magkaibang show ang gagawin nila.

Pops sinisikreto ang love life

Very fabulous naman ang dating ni Pops Fernandez na nagpunta rin sa 81 SeiHai kahapon.

Sabi nga ng owner na si Chef Chris Condero, napansin nila na very blooming si Pops ngayon. May isang bisita naman na nagtanong kung in love na naman ba si Pops dahil kakaiba ang aura niya kahapon?

Si Pops naman, kapag binibiro ko na baka may bago siyang love life kaya super blooming siya, tawa lang nang tawa.

Malihim naman kasi si Pops pagdating sa love life niya, ‘noh?!

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with