^

Pang Movies

Jennylyn at Tom? hindi umubra kay Coco!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jennylyn at Tom? hindi umubra kay Coco!
Coco Martin

Hindi naman daw sinabing sisibakin na iyong The Cure nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez. Wala pa namang ganoong usapan. Pero lumalabas na binawasan na raw ang production budget ng serye. Hindi namin napapanood iyang serye na iyan pero sa nakikita naming trailer nila, na may mga blastings at kung anu-ano pang effects, nai-imagine namin malaki nga ang budget niyan.

Pero baka iyong audience ay hindi pa handa sa ganyang klase ng science fiction. Hindi pa nila ma-appreciate, kahit na nasabayan ng kaso ng Dengvaxia.

Natural nilampaso sila ng kalaban nilang serye na sinasabing run of the mill lamang. Pero iyon ang nakasanayan ng audience eh.

Siguro ang isa pang punto roon, kung ang inilagay nila ay isang malaking star na maka­katawag ng pansin ng publiko, baka sakali pa. Dapat sana iyong maipantatapat talaga kay Coco Martin kung mayroon.

Tony Lambino ng Smoky Mountain band pasok na Asec ng Department of Finance

Marami ang nagsasabi, mukhang showbiz daw ang naging bagong pagbabalasa sa cabinet ni President Digong. Hindi lang si Isko Moreno ang ginawa niyang undersecretary ng DSWD. Iyong dating poging batang kasali sa Smoky Mountain na si Tony Lambino, ginawa rin niyang Assistant Secretary of Finance ngayon.

Si Isko, matagal namang naging konsehal ng Maynila, at tatlong ulit ding naging vice mayor ng lungsod. Noon namang panahong nanunungkulan pa siya, marami siyang ginawang proyekto para sa mga mahihirap, lalo na sa kanyang pinagmulang distrito, ang Tondo.

Si Tony naman, bukod sa pagiging isang singer at musician, siya ay nagtrabaho rin sa World Bank sa US. Tapos lumipat siya sa IRRI o iyong International Rice Research Institute. Naging executive rin siya ng Ayala Group of Companies, bago naging consultant ng Department of Finance. Ngayon nga under secretary na siya.

Ang punto namin, iyang sina Isko at Tony Lambino, iyan ang mga artistang nalagay sa puwesto na masasabi mong karapat-dapat. Hindi kagaya noong mga walang alam kung di pumorma na wala namang nagagawa sa gobyerno talaga. Iyong pagkakalagay sa kanila, hindi mo masasabing “accommodation” dahil talagang may nalalaman sila sa trabaho nila.

Aktor huling nakikipagtikiman sa driver!

Tumili raw ang nanay ng isang male star, nang mahuli niya mismo ang kanyang anak na may katalik sa loob mismo ng kwarto. Hindi akalain ng na­nay, na ang male star ay papatol sa isang kasambahay nila. Hindi po house maid ang kasambahay. Siya po iyong driver.

Talagang titili nga ang nanay.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with