^

Pang Movies

Para sa promo? Emote ni Bea kay Gerald sakto sa Kasal

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Para sa promo? Emote ni Bea kay Gerald sakto sa Kasal
Bea Alonzo

May mga nagtatas ng kilay sa pahayag ni Bea Alonzo na, “Hindi sa ngayon,” nang tanungin siya kung may relasyon pa rin ba silang dalawa ni Ge­rald Anderson.

Pero naguluhan naman sa kanya ang iba nang sabihin niyang technically ay wala sila ni Gerald ngayon, pero dinugtungan naman na nag-uusap at okey silang dalawa.

Mas maganda raw sana kung ang sinabi ni Bea ay hiwalay na sila, pero hindi sila nag-aaway at magkaibigan na lang, para mas malinaw nga naman, huh!

May iba namang nagsasabi na bakit ngayong ipapalabas na ang Kasal movie nila nina Derek Ramsay at Paulo Avelino ay saka naman nagbigay ng ganoong pahayag si Bea?

Bakit hindi raw noong matindi ang issue tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald at ang itinuturo pa ngang dahilan diumano ay si Pia Wurtzbach na nakapareha ng binata sa pelikulang My Perfect You?

Anyway, marami naman ang nakakakilala kay Bea na hindi siya gimikera para magkaroon ng publicity ang kanyang mga proyekto, kaya ayokong magduda na baka kaya ngayon nagsalita ang aktres ay dahil isu-showing na ang Kasal movie niya, ‘noh?!

Rico gumanda ang boses sa America

Marami ang nakapansin na mas nag-improve ang health ni Rico J. Puno nang mag-concert tour sila roon nina Hajji Alejandro, Marco Sison at Rey Valera kamakailan.

Kung noong nakasama ni Rico sina Imelda Pa­pin, Claire dela Fuente at Rey sa Valentine show sa isang hotel ay marami ang nagwo-worry na baka hindi kayanin ng veteran singer dahil malat na siya at parang bibigay ang katawan, sa Amerika naman daw ay gumanda na ang boses at kilos ni Rico.

Hindi na puwedeng biruin ni Claire si Rico na natatakot siya na baka ma-hospital na naman ito.

Vice naka-recover na sa opinyon ng reporter

Ang pagiging 11 million ng followers niya sa Twitter at ang tagumpay ng two shows niya sa Canada ang tinu-tweet ni Vice Ganda at mukhang naka-“recover” na siya sa mga hanash niya dahil sa komento ng isang reporter tungkol sa special award na tatanggapin niya sa FAMAS sa June 10.

Tama lang naman na hindi na gawing big deal ni Vice ang bagay na ‘yon dahil ayan nga at maraming blessings na dumarating sa kanyang buhay!

Sabi nga, count your blessings, at ang payo sa kay Vice ng marami, pabayaan na ang mga ganoong komento dahil opinyon ‘yon ng nagsulat at hindi naman siya sinira-siraan!

Anyway, papunta na ng Amerika ang grupo ni Vice para sa tatlong shows naman doon.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with