^

Pang Movies

Derek pumiyok sa tinakbuhang utang kay Bea

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Derek Ramsay na isa sa malaking factor kung bakit siya pumayag na gawin ang pelikulang Kasal ng Star Cinema ay dahil kay Bea Alonzo.

“I’ve always said this,” sabi ni Derek at the presscon for the said mo­vie, “Bea knows this, I just said this in an interview an hour ago. I’ve always been a big fan of Bea. For me, I’ve worked with so many talented leading ladies, but I’m not scared to say that for me, Bea is the number one leading lady out there.

“And the big part why I chose to accept this film is before I get to work with Bea again, and of course with my director, Ruel (Bayani), who was a big part of my success in film, with No Other Woman.

“So, nagsama ‘yung dalawa, and I know may utang ako kay Bea because medyo tinakbuhan ko siya last time from the project that we were doing before but yeah, I’m not afraid to say that I’m a big fan of Bea. How she handles herself on and off cam, I’m a big fan.

“She’s a smart girl. You see it when she performs, you see it when she talks to you behind the camera and how she just conducts herself is just everything about her,” pahayag pa ni Derek.

Sobrang thankful din ang aktor sa mga papuring sinabi sa kanya ni Bea. Ayon sa aktres, talaga raw Derek is born to be a leading man.

“It feels good na makatrabaho ulit si Derek, kasi, ewan ko, may iba sigurong chemistry din. Ako ‘yun ang napi-feel ko, at least when we do a scene together. Parang napi-feel ko na ang dali, ang dali ng lahat. Nagkakaintindihan kami.

“And noong napapanood ko monitor pag preview, natutuwa ako kasi sabi ko, na-miss ko talaga si Derek sa isang Star Cinema movie. At lagi kong sinasabi ito sa mga past interviews ko. Na parang si Derek is born to be a leading man. Kasi, di ba, ang jaw line, ang gwapo, oozing with sex appeal and he’s a good actor. So, parang may mga tao talagang ganu’n – born to be an actor, to be a leading man,” pahayag ni Bea.

Of course, na-flatter ang aktor hearing Bea said that at aniya, ang mga sinabi raw ni Bea ay lalo pang nag-motivate sa kanya para lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho at gumawa pa ng maraming proyekto.

Ang Kasal ay pangatlong pagsasama na nina Bea at Derek sa big screen.

Also starring in the movie is Paulo Avelino na nakasama naman ni Bea sa tele­seryeng Sana Bukas pa ang Kahapon.

Showing na ang Kasal sa mga sinehan ngayong May 16 at kasama rin sa pelikula sina Vin Abrenica, Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Chris Villonco at marami pang ib

Aiza at Liza gusto uling magpakasal

Kamakailan ay marami ang nainggit sa sweetness ng mag-asawang Aiza “Ice” Seguerra at Liza Diño nang dumalo sila sa kasal ng isang kaibigan sa Balesin Island. Ang comment nga ng marami, parang sila ang ikinasal.

Pero aminado si Liza na gusto pala nilang ikasal muli kahit na nga ba dalawang beses na silang nagpakasal.

Kinasal sila sa US noong 2014 at dito sa Pilipinas sa isang beach resort sa Batangas the following year.

Kaso, ani Liza, that time raw ay hindi sila nakapagpa-picture with their ninongs and ninangs. Kaya gusto raw nilang ulitin ang kasal. Pero hindi pa raw ngayon, baka sa ika-5th year daw nila so, next year daw.

When asked kung gusto ba niyang sa Balesin Island din sila ikasal, natatawang sabi ni Liza, “ah. . .mahal du’n, eh.”

Samantala, sobrang sipag talaga ni Liza bilang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson. Ngayon, may bago na naman siyang proyekto, ang Sine Saysay Documentary Film Lab and Showcase na magbibigay-daan sa mga documentary filmmakers na mapansin din sa ating movie industry.

“Ang dami kasi nating documentary filmmakers na I think, kailangang marinig din ang boses nila and sa totoo lang, kung titingnan n’yo ang mga documentary films, doon natin makikita ang pwede ring maging feature film, eh,” she said.

Masipag din siya na makipag-meeting at makipag-dialog sa mga filmmakers para malaman kung ano pa ang pwede niyang maitulong sa mga ito and on her part, ginagawa naman niya ang lahat ng pwedeng gawin para matulungan ang mga ito.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with