^

Pang Movies

Kabaklaan ni Maricel bentang-benta sa M2M!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kabaklaan ni Maricel bentang-benta sa M2M!
Maricel

Maiksi man ang role ni Maricel Soriano sa Mother’s Day movie ng Regal na My 2 Mommies, umaapaw naman ang screen presence niya sa bawat eksenang ginawa niya, huh!

Dumalo si Marya sa premiere night ng movie at tuwang-tuwa ang fans niyang tili nang tili sa kada taray niya sa movie. Habang nagsasalita sa audience, natapilok pa ang Diamond Star na nakatayo sa upper part ng sinehan.

Todo pasasalamat niya sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa pagkuha sa kanya sa M2M.

As always, baklang-bakla pa rin ang dating niya na bentang-benta pa rin sa mga tao.

“I love you Kapatid. As always mahusay ka talaga! Na miss ka ng nagmamahal sa ‘yo!” comment ni Eric sa IG post ni Roselle sa movie na isa sa factors kung bakit napapayag si Maricel na maging parte ng pelikula.

Sa parte naman ni Roselle na itinuturing na kaibigan ang Diamond Star, “I am very grateful for bravely accepting the role. Marya is awesome with being just herself her signature performance – witty and still undoubtedly still the unbeatable actor with great timing and very respectable.”

Palung-palo rin ang performances nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff. Hindi man masyadong ginawa ni Pao ang pagbibihis-babae, pero nang gawin naman niya ‘yon sa isang eksena, tilian ang mga tao dahil nakakatuwang eksena ang kasunod nito, huh!

Congrats to Team M2M pati na kina Joem Bascon at ang child actor na si Marcus Cabais na super-galing din sa movie.

Regine napatili sa bagong lalaki!

Super-cry si Regine Velasquez-Alcasid nang tanggapin niya ang advance Mother’s Day gift galing sa asawang si Ogie Alcasid na isang tuta. Napatili pa nga si Songbird nang ihandog ng asawa ang tuta sa Instagram video.

“A new George!” sey naman ng anak nilang si Nate.

“Thank you, Honey!” sey naman ni Reg.

Sobrang nalungkot ni Regine nang mamatay ang aso niyang si George nitong nakaraang mga araw. Ayon naman sa ilan niyang showbiz friends, kamukha raw ito ng namatay na aso.

Pinangalanan ni Songbird na Chanel ang bagong aso.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with