^

Pang Movies

Korina tagumpay sa hindi pagpatol kay Kris

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Korina tagumpay sa hindi pagpatol kay Kris
Korina Sanchez

Mukhang nakatulong ang hindi pagsagot ni Korina Sanchez sa pagra-rant ni Kris Aquino sa social media kaya hindi na pinag-uusapan ang issue sa kanilang dalawa.

Sa latest post ng misis ni Mar Roxas sa Instagram, sinabi niyang, “Living one’s #BestLife means loving what you have. Because then, you’ll have everything you need.”

Actually, dahil marami nang bagong issues ngayon sa showbiz, mukhang hindi na rin intere­sado ang fans kung sasagutin pa ba ni Korina si Kris.

Martin, ipinagdasal si Gary

Isa si Martin Nievera sa maraming nagdasal para maging ligtas ang heart surgery ni Gary Valenciano.

Kahit palagi silang pinagkukumpara at pinagtatapat, matalik na magkaibigan sina Martin at Gary.

Ang anak ni Gary na si Paolo Valenciano ay married sa niece ni Martin na si Samantha Godinez, kaya lalo pang naging malapit ang akala ng fans ay arch rivals!

Vice lagare sa concert sa Canada at America

Ang #PusuanSiViceGandaSaCanada concert ni Vice Ganda.

Punumpuno ang Queen Elizabeth Theater sa Vancouver, Canada at masaya ang gay TV host/comedian sa start ng kanyang two-night Canada concert.

Mula Canada, dederetso ng Amerika si Vice dahil tatlo naman ang concert niya roon.

Matindi ang promotions ng concert ni Vice sa Canada’t Amerika, kaya inaasahang pare-parehong dudumugin ang mga ‘yon.

Dahil kaya sa tagumpay ng kanyang unang concert sa Canada ay gumanda na ang mood ni Vice at maging mahinahon na siya sa pagre-react dahil sa isang komento na bakit hindi muna si Vic Sotto ang bigyan ng Dolphy Lifetime Achievement Award bago siya?

Well…

Dahil sa dyowa, Lovi madadalas na sa Norway

Back to The One That Got Away ta­ping na kahapon si Lovi Poe.

Ilang araw ring nag-stay sa Berlin, Germany si Lovi at doon nga ay sinundan siya ng boyfriend na si Chris Johnson.

Obvious na masaya si Lovi na nakasama si Chris sa Berlin ng tatlong araw.

Sobrang na-enjoy ni Lovi ang sandaling bakas­yon dahil ang saya-saya niya nang mag-report sa taping ng The One That Got Away.

Hanggang sa May 16 or 17 daw ang taping ng na­sabing romantic-comedy series ng GMA 7 at wala namang alam ang handler ni Lovi nang tanungin ko kung mag-a-abroad na naman ba ang sexy actress/singer para muli silang magkasama ng boyfriend na based na raw sa Norway.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with