^

Pang Movies

Sarah may emotional fatigue na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayong araw na ito ang huling concert ni Sarah Geronimo sa New York, bale bukas pa iyan sa oras natin.

Makakabalik na siya ng Pilipinas at siguro naman kahit na papaano ay makapagbabakasyon na siya para makabawi sa sobrang pagod dahil sa sunud-sunod na mga concert. Kahit na kami, pinapaboran namin ang pagkakaroon niya ng isang repeat performance sa Araneta, pero ngayon sinasabi naming sana bigyan muna siya ng panahong makapagpahinga nang husto.

Magaling na artist si Sarah, at ma­pa­pansin mong lagi naman siyang kundisyon sa bawat performance. Ngayon lang naman siya umangal at nagsabing pagod na siya na tiyak hindi lamang physical fatigue, may kasama na rin iyong psychological fatigue, kaya siya nakadama na parang walang nangyayari sa kanyang buhay sa kabila ng lahat.

Talagang dumarating iyan sa maski na sinong taong pagod na sa kanyang paulit-ulit na ginagawa.

Mayaman na naman si Sarah. Hindi nga lang siguro niya namamalayan dahil hindi naman siya ang humahawak ng pera niya, pero kung matututo lang sila, sa laki na ng kinita niya, ok na ang kinabukasan ng buong pamilya niya.

May mga nag-iisip din na baka gusto na ngang mag-asawa ni Sarah na puwedeng-puwede na dahil nasa tamang edad na rin siya. Ang maganda pa nga, mahal siya pati ng pamilya ng kanyang boyfriend na si Matteo.

SquadGoals hinihintay ng fans

Sa linggong ito, malalaman na natin kung tatanggapin nga ng publiko ang sinasabing mga bagong bagets sa pelikulang SquadGoals.

Ayaw naming gumawa ng isang hindi kapani-paniwalang prediksiyon. Kikita naman siguro, pero malabong lampasan niyan ang record ng naunang Bagets noong 1984.

Noon kasi bago pa man ilabas ang pelikula, damang-dama mo na ang Bagets fever. Sa ngayon parang naghihintay pa ang fans kung ano ang resulta.

Sa obserbasyon din namin, walang sumipa ang popularidad kagaya ni Aga Muhlach noong 1984, na hindi pa man inilalabas ang pelikula ay kinababaliwan na ng fans.

Iba na kasi ang takbo ng panahon sa ngayon. Hindi na natin dapat asahan ang kagaya noon.

Aktor na nag-born again, nagpapahada pa rin!

Kung kailan nagbabago na raw at nag-born again pa ang isang character actor at saka lumabas ang isang video scandal niya. “Hindi iyon luma talaga, bago lang ‘yan dahil makikita mo naman sa mga palatandaan ng hitsura niya ngayon,” sabi ng isang source.

Mukha ngang wala pang isang taon ang sex scandal. Tahimik lang ang character actor sa video scandal. Proof iyon na kahit na may asawa na siya at sinasabing born again na ay nagpapahada pa rin siya.

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with