^

Pang Movies

Miss Universe 201ªsa ‘Pinas na uli?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Miss Universe 201ªsa �Pinas na uli?!
Danilo at Uge

May tsismis na muling idaraos sa Pilipinas ang Miss Universe beauty pageant pero walang confirmation mula sa Miss Universe Organization.

May malaking event ang Miss Universe na magaganap sa Maynila sa May 8 kaya nabuhay ang isyu na ang Pilipinas ang host country ng 67th Miss Universe na magaganap sa November 2018.

Ang tanong, interesado pa ba si Papa Chavit Singson na maging major sponsor ng Miss Universe, tulad nang ginawa niya noong nakaraang taon?

May balita na hindi nabawi ni Papa Chavit ang puhunan niya na milyun-milyong dolyar pero dahil businessman siya, parang hindi naman affected ang former governor ng Ilocos Sur.

Kung ang Manila uli ang venue ng Miss Universe 2018, sure na may major participation ang Department of Tourism kaya wait and see na lang tayo sa announcement ng opisina ni Secretary Wanda Teo.

Eugene kinasal na sa Italyanong dyowa

Nag-advance taping ang staff ng Dear Uge at Celebrity Bluff dahil one month na mawawala sa Pilipinas si Eugene Domingo, ang host ng mga weekend show ng GMA 7.

Lilipad uli si Eugene sa Italy para bisitahin at makapiling ang kanyang Italian husband na si Danilo Bottoni.

Yes, you read it right, husband ni Eugene si Danilo dahil naniniwala ang lahat na kasal na ang dalawa at hindi basta boyfriend-girlfriend ang relasyon nila.

No comment si Eugene kapag tinatanong tungkol sa tunay na estado ng love affair nila ni Danilo pero kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwing ang Italian dyowa niya ang topic.

Hindi naman isyu kung totoo na kasal na ang dala­wa dahil parehong nasa legal age na sina Eugene at Danilo para lumagay sa tahimik at magkaroon ng pamilya, kesehodang vocal ang comedienne na hindi siya eager na magbuntis at magkaroon ng anak dahil sa edad niya.

Nagiging realistic lamang si Eugene na hindi na madali sa kanyang age ang magbuntis.

Pangalan ng aktres, ‘di nabanggit sa sariling top-rating show!

Wondering ang fans dahil hindi binanggit ang name ng aktres sa report ng isang news program tungkol sa participation niya sa top rating television show.

Iniisip ng mga intrigera na baka may reason kaya no mention sa name ng aktres o talagang nakalimutan lang ng writer na banggitin ang pangalan niya.

Umapir na noon ang aktres sa ibang mga show ng television network kaya imposible na may isyu o intriga sa hindi pagbanggit sa kanyang pangalan.

Andrew tumaba sa kakapuyat!

Bothered si Andrew Muhlach kapag pinupuna ng mga reporter na nag-gain siya ng unwanted pounds.

Hindi naman itinatanggi ni Andrew na tumaba ito dahil kain siya nang kain na epekto ng kanyang madalas na pagpupuyat sa shooting ng #SquadGoals, ang youth oriented movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 9.

Dahil sa shooting at promo ng kanilang pelikula, nawalan ng panahon si Andrew na magpunta sa gym pero nag-promise ang former child actor na magiging active uli sa pagpapapawis kapag lumuwag na ang schedule niya.

Si Andrew ang younger brother ni Aga Muhlach na introducing sa #SquadGoals, ang bagong version ng Bagets, ang blockbuster movie ng Viva Films noong 1984 na pinagbidahan nina Aga, William Martinez, JC Bonnin, Raymond Lauchengco at Herbert Bautista.

Sa limang bida ng Bagets, sina Aga, William at Herbert na lang ang visible dahil matagal nang nag-retire si JC sa showbiz samantalang bihira nang umapir sa TV at pelikula si Raymond na maraming mga hit song noong kasikatan niya.

vuukle comment

MISS UNIVERSE ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with