^

Pang Movies

Isabelle pinakakalma sa pagmamadaling sumeksi ulit!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Isabelle pinakakalma sa pagmamadaling sumeksi ulit!
Isabelle

Mother knows best at ito ang dapat sundin ng new mommy na si Isabelle Daza.

Panay ang paalala ng ina ni Isabelle na si Ms. Gloria Diaz na maghinay-hinay ito sa kanyang goal na magpapayat agad. Ayon sa former Miss Universe, hindi raw dapat minamadali ang pagpapapayat dahil kailangan pa rin ng katawan na maka-recover sa panganganak.

Maraming friends at followers ni Isabelle ang sumang-ayon kay Gloria na hindi dapat minamadali ang pagpapapayat.

May isang netizen pa ang nag-suggest na ang safest way na magpapayat ay ang pagpapa-breastfeed.

Sa isang post ni Isabelle sa Instagram, pinakitang pinapasyal niya ang kanyang baby sa gitna ng kainitan ng araw. At the same time raw kasi ay nakakapag-exercise si Isabelle.

“From 200 steps a day to 2,000. Slow progress but I’ll take it. Also it’s freakin hot!!!!! #sundaysbest” caption pa ni Isabelle.

Muling pinaalahanan ni Gloria ang anak na maglagay ng sunblock dahil sa sobrang init.

Jason nagsisisi sa ginawa sa lola

Sobrang emotional ang aktor na si Jason Abalos dahil sa kalagayan ng kanyang 93-year old na lola.

Close kasi ang Kapuso actor sa kanyang lola at nagbalik-tanaw ito sa mga masasayang ginagawa niya kasama ang kanyang lola noong bata pa siya.

Nasa ICU na raw ang lola niya at nag-sorry si Jason dahil bihira na raw siyang makadalaw dito simula noong maging artista siya.

“Bihira ko na sya madalaw, madalas dadaan na lang ako pag uuwi ako sa amin sa Pantabangan at dadaan na lang ulet pag babalik na ako ng Manila.

“13yrs na ako sa showbiz ganon na lang naging kwento namin, totoo pala na nasa huli ang pagsisi na pag wala ka ng pag kakataon tsaka mo sasabihin ‘sana’ o kaya ‘dapat’.

“Nasa ICU na kasi siya ngayon, may namumuong dugo sa ulo, kung ooperahan daw baka di na kayanin ng edad niya (93yrs). Kinausap ko siya habang nakahiga, alam ko narinig nya ako dahil nakita ko lumuha siya.

“Sana nasabi ko ung mga sinabi ko nong alam ko kaya niya pa sumagot at sana nayakap ko siya nong panahon na pwede niya pa ako yakapin.”

vuukle comment

ISABELLE DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with